-->
Browsing Category " Pagkain "

Top 5 pagkain sa Pilipinas na sobrang alat

 Top 5 pagkain sa Pilipinas na sobrang alat

1. Cup noodles - isang cup ay nasa 1,700 mg na agad sodium content.

2. Patis - ang isang kutsara ng patis depende sa sa brand ay mga 1,000 mg na agad na sodium.

3. Bagoong - ang isang kutsara ng bagoong depende sa brand ay mga 1,000 mg na agad na sodium.

4. Tuyo - ang isang serving nito ay nagbibigay ng 1,800 mg na sodium.

5. Longganisa - yung dalawang piraso ng longganisa ay nagbibigay ng mga 800 hanggang 1000 na sodium.


Ang recommended sodium araw araw para sa adult ay 2,300 mg. Mga isang kutsaritang sodium yun. Ngunit iminumungkahi ng American Heart Association na babaan pa ito hanggang sa mga 1,500 mg lang para mabawasan ang panganib na pagtaas ng presyon ng dugo at mga sakit sa puso.


Pinagmulan: @kilimanguru (sundan sa Instagram)  


Mungkahing Basahin: 

Mga ligtas kaining isda

 Mga ligtas kaining isda


Maraming benepisyo ang pagkain ng isda, maganda ito sa puso, sa utak, sa balat, pati sa mata natin pero hindi lahat ng isda parepareho, binabantayan po natin yung mercury content, mas malaki yung isda at mas matagal sa dagat mas dumadami yung mercury mas madalang lang ang pagkain nito. So anong isda ang mas ligtas kainin?


Ano ang mga isdang safe kainin?

  • samaral (rabbit fish o spinefoot)
  • dilis
  • hito
  • galunggong
  • salmon
  • sardinas
  • tilapia
  • bangus
  • hipon
  • pusit at
  • alimango (talangka, katang, alimasag)


Yung mga isdang may katamtamang antas ng mercury, dapat mga 2 hangggang 3 beses lang kakainin o mas madalang pa, gaya ng mga isdang

  • banak 
  • tamban
  • maya-maya
  • tuna sa lata


Yung isdang dapat mas madalang pang kainin gaya nang isang beses lang sa isang buwan.

  • sariwang tuna
  • sashimi
  • lapu-lapu at 
  • seabass (matang-pusa o katuyot)


Pinagmulan: Instagram/docwillieong


Mungkahing Basahin:

Pagkain ng utak ng manok

pagkain ng utak ng manok


Pagkain ng utak ng manok, sikreto sa mahabang buhay ng 111-anyos na lalaki


Sa panayam ng Australian Broadcasting Corp., sinabi ng 111-anyos na si Dexter Kruger na sikreto sa kanyang mahabang buhay ang pagkain ng chicken brains. Bukod dyan, nakatulong din sa kanya ang pamumuhay ng simple bilang cattle rancher.


Pinagmulan: @News5PH


Mungkahing Basahin: 

Longganisang Baliwag

Naiiba ang longganisang Baliwag dahil purong laman ng baboy ang ginagamit na hinaluan ng mga pampalasang sangkap. Mayroong tatlong timpla nito: longganisa-bawang, longganisa-asukal, at longganisa-barbecue.

Mungkahing Basahin:

Okoy

Ang mga pangunahing sangkap ng okoy ay hipon, toge, at kalabasa. Pinakamasarap ito kapag mainit at bagong hango at isinawsaw sa sukang may sili.


Best Okoy Recipe (Panoorin ang video sa ibaba)

Mungkahing Basahin:

Postreng Alimango

Ang postreng alimango ay karaniwang niluluto tuwing panahon ang alimango at bayabas. Kapag mahal ang alimango ay inihahalili ang talangka kapag tag-ulan. Nilalahukan ito ng bawang, sibuyas, bayabas, bagoong, asin, at asukal na segunda.


Mungkahing Basahin:

Serkele

Ano ang serkele?


Ang serkele ay pinaniniwalaang isang minanang resipe mula kay Aling Luring. Ang lasa nito ay kombinasyon ng dinuguan, papaitan, at tinumis. Ngunit sa halip na baboy ay lamang-loob ng baka ang pangunahing sangkap.


Paano magluto ng Serkele? Panoorin ang video sa ibaba!

Bibingka at Puto Bumbong

Matatagpuan sa bayan ng Baliwag ang masarap na bibingka at puto bumbong. Kapag sumapit na ang Oktubre ay itinatayo na ang mga lutuan at tindahan ng bibingka at puto bumbong sa Heroes Park ay nagsisilbing hudyat ng pagdiriwang ng Pasko.

Baliwag Lechon

Isa sa mga maipagmamalaking negosyong nauugnay sa pagkain na nagmula sa Baliwag ay ang ang Baliwag Lechon. Ito ay itinatag ng mag-asawang Dwight at Dolores Salcedo noong 1985. Tampok dito ay ang kanilang masarap na inihaw na manok at liempo.


Paano nagsimula ang Baliwag Lechon Manok? (Video)




Mungkahing Basahin:

Baliwag Pandesal

Baliwag Pandesal


Ang pandesal mula sa Baliwag ay karaniwang mas maliit kaysa sa regular na pandesal na matatagpuan sa ibang bayan. Ito ay malasa dahil husto sa sangkap at karaniwang niluluto sa pugon.


Pandesal sa Baliwag

Mungkahing Basahin:

Cornick

Isa sa pinakasikat na tsitsiryang Baliwag ang cornick. Ito ay gawa sa binusang butil ng mais na hinaluan ng bawang bilang pampalasa.


Paano gumawa ng cornick?


Mungkahing Basahin:

Tiim

Ang tiim ay sinasabing minana ng mga taga-Baliwag sa mga Tsino. Ito ay espesyal na kaluto tuwing Pasko at Bagong Taon. Ang lahok nito na maghapong pinalambot ay menudensya ng baboy, sibuyas, tandang, hilaw na paa ng jamon de punda, chorizo de bilbao, at kaunting patis.

Mungkahing Basahin:

Tinumis

Ano ang tinumis?


Ang tinumis ay nahahalintulad sa dinuguan kung saan ang pangunahing sangkap ay baboy at dugo nito. Subalit sa halip na suka ay sampalok o kamias ang ginagamit na pang-asim nito.

Kopra

Pinatuyong laman ng niyog ang kopra na pinagmumulan ng iba’t ibang produkto sa Pilipinas. Pangunahin dito ang langis ng niyog na ginagamit sa paggawa ng gamot, sabon, gomang sintetiko, at margarina.


Tinatayang nasa 90 porsiyento ng produksiyon ng niyog sa Pilipinas ay mula sa kopra at langis ng niyog. Mula rin sa kopra ang coconut cake na ginagamit na pataba sa lupa at pagkain ng hayop. Pangunahing mula sa Filipinas ang tinatayang 500,000 tonelada ng kopra na iniaangkat ng Kanluraning Europa.


Isa sa pinakaunang paraan ng paggawa ng kopra ang pagbibilad ng hinating niyog. Putîng kopra ang bunga ng ganitong paraan ng pagpapatuyo. Bagaman may mga magkokoprang gumagamit pa rin ng proseso ng pagbibilad, mas karaniwan na ngayon ang pagamit ng pugon. Bukod sa ligtas ang kopra sa ulan at iba pang elemento, mas mabilis ang prosesong ito.


Isa pang paraan ng paggawa ng kopra ay ang pagamit ng makinang may mainit na hangin. Tinatawag ang prosesong ito na hot-air drying at nagbubunga ng mas de-kalidad na putîng kopra. Ayon sa mga eksperto, mainam ang pagpapatuyo sa kopra kung nasa 4 hanggang 5 porsiyento ang tubig nito at may 60 hanggang 70 porsiyento ang langis.


Nag-ugat ang kopra sa terminong Hindi na khopra na nangangahulugang “niyog.” Ito ay kalibkíb at lukad sa Tagalog, kupag sa Iloko, at língkad sa Aklanon.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin:

Mga sikat na pagkain sa Bacolod

mga sikat na pagkain sa bacolod


Mga sikat na pagkain sa Bacolod | Baybayin Ateneo (@baybayinateneo)


Mga sikat na pagkain sa Bacolod


Ang lungsod ng Bacolod ay kilala sa mga sikat at napakasarap na pagkain nila katulad ng


  1. Napoleones,
  2. Chicken inasal,
  3. Piyaya,
  4. Muscovado-filled-flatbread, at
  5. El Ideal’s Apple Pie.


Ang Bacolod rin ay ang pangunahing tagagawa ng asukal.


Mungkahing Basahin:

Makopa

Makopa


Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang sa Lungsod ng Kidapawan sa Cotabato ang Timpupo Festival kung saan tampok ang iba’t ibang uri ng mga prutas.


Hindi tayo makakapaglakabay patungo ng Kidapawan sa kasalukuyan kaya sa pagpapatuloy ng Halaman Sa Nayon ay aming ibinabahagi ang makópa (Syzygium malaccense).


Kilalá ito sa iba’t ibang katawagan, tulad ng gubal, makopang-kalabau, mangkopa, tamo, tual, at yambo.


Makopa in English


Ito ay tinatawag ding


  1. Malay apple,
  2. Tersana rose apple, at
  3. Mountain apple sa Ingles.


May makópa ba sa inyong Nayon?


Mungkahing Basahin: