Kung naningil ng sobra ang mekaniko
Kung naningil ng sobra ang mekaniko
Mekanikong nasobrahan ang sipag
Attorney, ano pong pwedeng gawin sa mekaniko ng sasakyan kong naniningil para sa karagdagang trabahong hindi ko naman ipinagawa?
Kung naniningil ang mekaniko para sa karagdagang trabahong hindi mo pinahintulutan, narito ang mga hakbang na dapat gawin sa ilalim ng batas:
1. Humingi ng paliwanag at dokumentasyon, hingin ang breakdown ng singil para sa mga trabahong isinagawa. Siguraduhing malinaw kung alin sa mga ito ang hindi mo ipinagawa.
Humingi ng kopya ng anumang kasunduan, resibo, o work order kung mayroon, kung walang kasulatan, walang pahintulot mula sa iyo para sa karagdagang trabaho.
2. Ipaalam na hindi mo pinahihintulutan ang karagdagang trabaho. Ayon sa Article 1318 ng Civil Code, kailangang may napagkasunduan sa isang kontrata. Kung hindi mo pinahihintulutan ang karagdagang trabaho, maaaring hindi ka obligadong bayaran ito.
3. Makipag-usap sa may-ari ng shop, idulog ang isyu sa mas mataas na awtoridad tulad ng may-ari o manager ng repair shop, ipaliwanag na hindi ka sumang-ayon sa karagdagang trabaho at dahil dito hindi ka dapat singilin.
4. Maghain ng reklamo kung kinakailangan, kung hindi nagkaayos, maghain ng reklamo sa Department of Trade and Industry kung may business registration ang repairshop o maghain ng reklamo sa small claims court kung kinakailangang bawiin ang sobrang singil.
Tandaan, siguraduhing may kasunduan sa simula para maiwasan ang ganitong sitwasyon. Siguraduhing malinaw ang work order or service agreement bago simulan ang trabaho. Ilagay sa kasulatan na anumang karagdagang trabaho ay kailangang may pahintulot mo bago ito gawin.
Sa madaling salita, kung hindi mo pinahintulutan ang karagdagang trabaho, hindi ka obligadong bayaran ito. Siguraduhing ipahayag ito sa maayos na paraan at kung kinakailangang idulog ang reklamo sa tamang ahensya tulad ng DTI upang maipagtanggol ang iyong karapatan bilang isang consumer.
Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)
Mungkahing Basahin: