unang-presidente-ng-republika-ng-zamboanga

 Unang Presidente ng Republika ng Zamboanga


Zamboanga ang isa sa pinakahuling nakalaya mula sa mga Espanyol noong kasagsagan ng rebolusiyon at ang Fort Pilar ang natirang baluwarte ng kanilang mga sundalo. Nang matanto ni Hen. Diego de los Rios, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas noon, na walang nang patutunguhan ang patuloy nilang paglaban sa mga rebolusiyonaryo, kusa siyang sumuko kay Vicente Alvarez. Matapos nito, tumaas ang ranggo ni Alvarez at tinaguriang General at naging unang Presidente ng Republika ng Zamboanga.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: