Bakit may 28 araw lang ang buwan ng Pebrero?

Ang buwan ng Pebrero ang ikalawang buwan sa ating regular na kalendaryong Gregorian, at sa lahat ng mga Buwan, ito lang ang namumukod-tangi sa lahat dahil aabot lang ito ng 28 araw, o 29 pa nga kung leap year. Bakit nga ba 28/29 lang ang bilang ng mga araw sa Pebrero?


Sa sinaunang kalendaryo ng mga Romano, binubuo lang iyon ng 10 buwan, mula Marso hanggang Disyembre, at nakabatay ito sa panahon ng pag-aani, at para sa mga sinaunang Romano, hindi mahalaga ang mga panahon sa pagitan ng Marso at Disyembre dahil wala naman itong kinalaman sa pag-aani.


Kalauna’y idinagdag ng ikalawang hari ng Roma na si Numa pompilius ang mga buwan ng Enero at Pebrero, upang maging alinsunod ang kanilang kalendaryo sa 12 galaw ng buwan, at bawat mga buwan ay magtatapos sa odd number, dahil para sa kanila’y malas ang even number. Pero sa ginawa niyang pagtataya, 354 ang kabuuang bilang ng araw sa isang taon.


At dahil sa paniniwalang malas ang even number, kailangan niyang pumili ng buwan na magkakaroon ng isang even number sa kabuuang araw para maging odd ang kabuuang bilang ng araw. Sa lahat ng mga buwang nabanggit, ang Pebrero ang napili niya, ang buwang inilaan para sa pagpaparangal sa mga pumanaw, at dito isinasagawa ang ritwal ng pagdadalisay. Katunayan , mula sa salitang “februare” ang Pebrero na nangangahulugang “gawing dalisay” sa paniniwalang mapapadalisay ang itinuturing na “malas na buwan”.


Mungkahing Basahin: