-->

Abelling Aeta

 

Abelling Aeta
Abelling Aeta | @atingnayon


Tignan: Maliban sa ethnographic collection ng Nayong Pilipino Foundation, itatampok din sa eksibisyong "Ang Nayon sa Diwa" ang kultura at pamana ng mga Abelling Aeta. Ang mga Abelling Aeta ay pangkat ng katutubong Aeta na nakatira sa lalawigan ng Tarlac.


Ang mga Abelling Aeta mismo ang nagdala at naglagay ng kanilang mga kagamitan sa eksibisyon. Sa pangunguna ni Sir Rodel Galicia, PhD, ang unang Aeta na nakapagkamit ng PhD degree, katuwang ang mga pinuno ng pamayanan ng Abelling Aeta ng San Pedro, Iba, San Jose, Tarlac, ay ibinahagi nila sa NPF museum team at kay G. Victor Estrella, curator, ang mga kaalaman at impormasyon tungkol sa kanilang kultura at pamana.


Nagpapasalamat ang Nayong Pilipino sa Faculty of Behavioral and Social Sciences ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa kanilang tulong para sa proyekto at ugnayang ito.


Mungkahing Basahin:

Roman Ongpin

On

 Roman Ongpin (1847-1912)


Makabayan at pilantropo. Isinilang sa Binondo, Maynila, 28 Pebrero 1847. Nahalal bilang Teniente Primero De Mestizos ng Binondo, 1883 - 1885.


Itinatag ang El '82, unang tindahang gumamit sa paraang fixed price sa kalye Colon ngayo'y bahagi ng kalye San Fernando, 1882.


Tumulong sa kilusang propaganda. Ipiniit ng mga Espanyol dahil sa kanyang pagtulong sa mga rebolusyonaryo, 1896. Ikinulong muli ng mga Amerikano, 6 Disyembre 1900 hanggang 23 Marso 1901.


Naglingkod bilang ingat-yaman ng Union Obrera Democratica, 1902.


Naging pangulo ng mga samahang sibiko tulad ng Casa Asilo de Invalidos Filipinos Por La Guerra, La Proteccion De La Infancia at Gota De Leche.


Yumao, 10 Disyembre 1912. 


Ipinangalan sa kanya ang ang daang Sacristia ng Lupong Munisipal ng Maynila bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa, 1915.


Mungkahing Basahin:

Abalos pinangalanan ang ikalimang miyembro ng Advisory Group

 

ikalimang miyembro ng Advisory Group

Abalos pinangalanan ang ikalimang miyembro ng Advisory Group | @DILGPhuilippines


Abalos pinangalanan ang ikalimang miyembro ng Advisory Group na nagsasagawa ng screening sa mga nagsumite ng courtesy resignation.


Ayon kay Abalos, ang ikalimang miyembro ay si Retired Justice Melchor Quirino C. Sadang na dating Associate Justice ng Court of Appeals at naging Vice Executive Judge at Presiding Judge ng Regional Trial Court.


Noong taong 1993-1994, si Sadang ay nagsilbing panel member na kumatawan sa Department of Justice ng pamahalaang Pilipinas sa Rebolusyong Alyansang Makabayan negotiating panel. Siya din ay naging law professor ng University of the East.


Sinabi ni Abalos na magpupulong na sa Lunes ang Advisory Group upang umpisahan na ang screening sa mga PNP top official at malaman kung sino-sino ang sangkot sa iligal na droga.


Ang iba pang miyembro ng Advisory Group ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr., dating National Defense Secretary Gilbert "Gibo" Teodoro, Jr. at Retired Major General Isagani Nerez.


Mungkahing Basahin:

Pacific Commercial Company Building

 

Pacific Commercial Company Building

Pacific Commercial Company Building | @philippine_museums


Ipinatayo ng Pacific Commercial Company at International Banking Corporation, ayon sa disenyo ng Murphy, McGill, and Hamlin of New York and Shanghai. Natapos Hulyo 1922, at pinasinayaan 13 Nobyembre 1922.


Minsang nabili ni Enrique Zobel, at nakilala bilang Ayala Building, 1940-1959. Isinaayos ng LBC Properties, Inc., 2007.


Isa sa mga nananatiling gusali na itinayo noong ika-20 siglo sa baybayin ng Ilog Pasig.


Mungkahing Basahin:

Pambansang Buwan ng mga Sining

 

Pambansang Buwan ng mga Sining

Pambansang Buwan ng mga Sining | @museongbaliwag


Ang buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang bilang Pambansang Buwan ng mga Sining. Ito ay nakabatay sa Presidential Proclamation No. 683 na nilagdaan noong 1991 ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ang proklamasyon ay nagsasaad na ang iba't ibang disiplina ng sining ay "kailangang pangalagaan, pagyamanin, at paunlarin sa isang klima ng malayang masining at intelektwal na pagpapahayag." Ang Museo ng Baliwag ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito bilang pangunahing pangkultural na institusyon na siyang nangangalaga, nagsusulong, at nagtataguyod ng lokal na sining ng Baliwag sa pamamagitan ng paghahanda ng ilang aktibidad para sa mga Baliwagenyo.


Ang tema mula sa Pambansang Komisyon para Kultura at mga Sining ngayong taon ay “Ani ng Sining, Bunga ng Galing” Ang temang “galing” ay tumutukoy sa kahusayan sa sining sa kabila ng mapanghamong panahon. Ito rin ay tumutukoy sa kahusayan sa sining gayundin ang pagbibigay-diin sa kapasidad ng sining na pagalingin at patuloy na pagyabungin pagkatapos ng mga kinaharap na hamon.


Mungkahing Basahin:

I-QR Ph na ang pagbabayad!

 

I-QR Ph na ang pagbabayad!

I-QR Ph na ang pagbabayad! | @bangkosentral


I-QR Ph na ang pagbabayad!


Ligtas, madali, at maaasahang pamamaraan ng pagbabayad ang QR Ph!


Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2019 ang QR Ph na siyang national QR code standard sa bansa.


Sa pamamagitan ng QR Ph, maaari nang magpadala, magbayad, o makatanggap ng pera kahit na magkaiba ang bangko o e-money issuer ng nagpapadala (sender) at tumatanggap (receiver).


Sa QR Ph, hindi na kailangang i-type ang account details ng padadalhan. Ligtas rin ang iyong personal information!


Panoorin ang video para malaman mga benepisyo sa paggamit ng QR Ph Person to Person (P2P) payments.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa QR Ph P2P, bisitahin ang link na ito:

FAQs tungkol sa QR Ph P2P: https://bit.ly/QRPhP2P


Para makita ang listahan ng mga participating bank at e-money issuer sa QR Ph, maaaring i-click ang link: https://bit.ly/QRPhBanksEMI


Para malaman kung paano mag-generate ng sariling QR Ph Code, maaaring i-click ang link: https://bit.ly/QRP2Pgen


Para malaman kung paano magbayad o magpadala ng pera gamit ang QR Ph, maaaring i-click ang link: https://bit.ly/QRPhVideos


Mungkahing Basahin:

Traslacion

traslacion

Traslacion | @nccaofficial


Viva Señor Jesús Nazareno!


Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ay nakikiisa sa mataimtim na pag-alala at debosyon sa Poong Nazareno.


Bagaman hindi pa muling idaraos ang Traslacion ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19, ating inalala ang nagpapatuloy na tradisyon at panata sa imahen ng Poon.


Ang kapistahan ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila tuwing Enero ay isang matingkad na halimbawa ng pamamanata. Libo-libong mamamayan ang nakayapak na nagtutungo sa Simbahan ng Quiapo upang lumahok sa prusisyon para lamang masilayan ang Mahal na Poon. Nakikipagsiksikan sila, kung minsa’y nakahandang masaktan, mahawakan, o makalapit sa imahen ng Nazareno.


Ang imahen ay mula pa sa Mexico. Dinala ito ng mga pari ng Ordeng Recoletos sa simbahan sa Bagumbayan at inilipat sa Intramuros. Noong 1787, ipinag-utos ni Basilio Sanco Junta y Rufina, Arsobispo ng Maynila, ang paglilipat ng imahen mula Intramuros patungo sa simbahan sa Quiapo. Ang paglilipat na ito ng imahen ang siyang pinagmulan ng debosyon ng Traslacion


Ilang kalamidad na rin ang nalagpasan ng imahen ng Itim na Nazareno. Naisalba ito nang masúnog ang simbahan ng Quiapo noong 1791 at 1929; nakaligtas ito nang bombahin ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa pinsalang dulot ng mga kalamidad sa imahen, isang replika ang ginagamit sa mga prusisyon.


(Source: Sagisag Kultura 2015)


Mungkahing Basahin: