On

 Tinanim sa Lupa ng Iba, Sino ang may-ari?


Ang taong: May kapitbahay kami nagtanim sa parte ng lupa namin. Tapos inaangkin ang bunga kasi kahit di daw nila lugar, sila naman nagtanim. Tama po ba yun?


Ang sagot: Mali po sila dyan. Ang general rule ay nasa article 455 ng civil code. Ang may ari ng lupa ang may karapatan sa anumang itatayo, itatanim, o ipupunla dito at dahil alam naman ng kapitbahay niyong sa inyo yung lupa, kayo ang may karapatan dito. 


Sa articles 449-452 ng civil code ito ang pwede nyong gawin.  May tatlong options kayo.

  1. Una, angkinin ang tinanim,
  2. Pangalawa piliting ipatanggal ito para ibalik sa dati ang lupa,
  3. Pangatlo, pilitin silang magbayad ng upa,


dagdag dyan pwede pang maningil ng danyos sa pinasalang naidulot sa inyo.


Pinagmulan: @cheldiokno (follow @instagram)


Mungkahing Basahin: