Tinatawag na lamay o lamayan ang buong gabi o magdamag na pagbabantay sa bangkay ng isang namatay.


Ang burol o pagtatanghal sa bangkay ay karaniwang tumatagal nang tatlong araw bago ilibing. Maaaring mas tumagal dahil sa pamahiing bawal maglibing kung Biyernes o dahil may hinihintay na kamag-anak.


Sa lamay ipinakikita ang pakikiramay ng mga kamag-anak, kaibigan, kanayon, at ibang kakilala ng namatay at ng namatayan. Nagiging malaking pagtitipon ito hanggang hatinggabi.


May taimtim na yugto ito at binubuo ng pagdarasal, pagpapamisa, o pagrorosaryo para sa kaluluwa ng namatay. Ngunit may bahagi din ito para “aliwin” ang namatayan o naulila.


Ito ang katwiran para sa pagdaraos ng palaro, awitan, at iba pang paraan ng pagdudulot ng kasayahan sa lamayan.


Dito ginagamit noon ang mga tradisyonal na aliwang gaya ng huwego de prenda, bulaklakan, at ang tila-dulang karagatan at duplo. Sa Ilocos, may dung-aw. Sa Panay, may komposo.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: