Kaingin
Sa pagkakaingin, karaniwang pinatutuyo ang pinutol na mga punongkahoy bago sunugin ang mga ito. Nagsisilbing pataba sa lupa ang abo ng sinunog. Pagsapit ng tag-ulan, karaniwang tinatamnan ang hinawang gubat.
Bukod sa pagpapataba ng lupa, mainam din ang kaingin sa pagpaparami ng uri ng halamang maaaring itanim sa isang bukid. May mga halaman at punòng mas naihahasik ang mga buto sa sinunog na lupain.
Ngunit hindi laging madalîng tamnan ang mga kinainging gubat. Kung minsan, matagal ang paghihintay bago ito matamnan.
Sa ganitong pangyayari, napipilitang lumipat ang mga magsasaka sa iba pang bahagi ng bundok o kagubatan upang ulitin ang proseso. Ito ang isa sa mga sanhi ng pagkakalbo ng maraming kagubatan sa Pilipinas. Bunga nitó, naging masamâ ang pakahulugan ng mga Filipino sa kaingin.
Noong dekada 80, sinimulan sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ilang programa laban sa pagkawasak ng kagubatan. Isa sa mga programang ito ang kondisyon na pagtanimin ang mga kaingero at magtotroso sa bawat pagputol nila ng mga punongkahoy.
Ngunit hindi matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga unang programang ito. Sa ilalim naman ng administrasyong Aquino, naibunsod ang programang pagtatanim ng 100,000 ektarya ng mga bagong puno taon-taon. Subalit hindi rin naipatupad ang mga programang ito.
Noong 1991, tinatayang mahigit limang milyong ektarya ng kagubatan ang nakalbo bunga ng kaingin at pagtotroso.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kaingin "