-->
Browsing Category " Krimen "

May krimen ba pag palagi kang minumura ng Jowa mo?

 

minumura ng jowa mo


May krimen ba pag palagi kang minumura ng Jowa mo?


Tandaan na ang VAWC ay hindi lamang limited sa mag-asawa, kasali rin dito ang mag-jowa.


Psychological violence po ang tawag dito. Kasi baka nagkaroon ng mental or emotional anguish yung babae dahil sa repeated verbal/emotional abuse.


Pinagmulan: fb/Atty. Anselmo Rodiel IV


Mungkahing Basahin: 

Cyber Vandalism


Cyber Vandalism

Ito ay illegal na pagsira, pag-deface, o pag-manipula ng websites, social media accounts, o online systems. Kadalasan, binabago ng hacker ang laman ng website o naglalagay ng masasamang, mensahe o imahe.

Paano ito maiiiwasan?
  1. Gumamit ng Malakas na Passwords - Iwasan ang madadaling hulaan na passwords at gumamit ng kombinasyon ng letra, numero, at simbolo.
  2. I-update ang Software Regularly - Siguraduhing updated ang website platforms at security patches upang maiwasan ang vulnerabilities.
  3. Mag-install ng Security Plugins - Gumamit ng firewalls at anti-malware tools para protektahan ang website o system.
  4. I-backup ang Data Regularly - Panatilihing may backup copies ng website at files para madaling maibalik kung masira.
  5. Limitahan ang Access - Bigyan lamang ng access ang mga taong may tiwala at kinakailangang role sa website.

Mungkahing Basahin:

Minaltratong Kasambahay

 Minaltratong Kasambahay

Ano ang dapat gawin kung sinasaktan ka ng iyong amo?


Tanong: Atty., kasambahay po ako. Ano po ang dapat kong gawin kung sinasaktan ako ng aking amo?


Sagot: Kasuhan mo siya para sa paglabag ng Batas Kasambahay at Revised Penal Code. Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Batas Kasambahay o RA 10361, maaaring ireklamo ang amo sa 

(1) barangay kung saan naganap ang pananakit, 

(2) Department of Social Welfare and Development (DSWD), o

(3) Public Employment Service Office (PESO) kung saan naganap ang pananakit. 


Ang sinumang nakakaalam ng pananakit ay maaaring magreklamo. Kung napatunayang nagkasala ang among nanakit, pagmumultahin siya ng hanggang 40,000 pesos. Bukod dito, maaaring makulong ang amo para sa Physical Injuries sa ilalim ng Article 263, 265, o 266 ng Revised Penal Code, depende sa kalalaan ng pinsala.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang investment scam?

 

Ano ang investment scam?

Ano ang investment scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang investment scam ay isang uri ng panloloko kung saan nangangako ng sobrang laking kita ang scammer para makakuha ng pera na ituturing na investment mula sa biktima. Sa huli, itatakbo ng scammer ang mga na-"invest" na pera.


Kapag ginamit ang financial account sa investment scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Ano ang halimbawa ng investment scam?

Nagbigay ka ng 10,000 tapos in one years time 20,000 na yan. Sasabihin nila, first month pa lang bibigyan ka na ng 10% o 1,000. Bibigyan ka nga ng 1,000 pero lagay ka ng lagay ng pera tapos mag-invite ka pa ng iba. Hindi mo alam na pyramid scam yan, habang maraming naloloko, nakakapagbigay sila, tapos guguho na lang bigla kasi wala ng maloko.


Ang mabigat ngayon, ginagamit nila 'yan electronically, mabilis na. Unlike dati, lalapitan ka ng tao, kakausapin ka. Ngayon, puro online, ang bilis.


PAALALA

Kapag masyadong malaki o "too good to be true" ang ipinangakong kikitain ng iyong investment, mabuting suriin ito nang mabuti dahil posibleng scam ito. Mag-invest lamang sa mga lehitimong institusyon para maiwasang mabiktima ng investment scam.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Ano ang Online Selling Scam?

 

Ano ang Online Selling Scam?

Ano ang Online Selling Scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang online selling scam ay isang uri ng panloloko kung saan hindi nakukuha o maling produkto ang natatanggap ng biktima pagkatapos bumili sa isang online na tindahan.


Kapag ginamit ang financial account sa online selling scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Bawal magkabit ng jumper ng kuryente?

Bawal magkabit ng jumper ng kuryente?


Atty., Ano po ba ang parusa sa kapitbahay naming nagkakabit ng jumper sa kuryente namin?


Ayon sa Section 2 ng RA 7832 o Anti-Pilferage and Theft of Electric Transmission Line or Materials Act, kung napatunayang nagkabit ng jumper o nagnanakaw ng kuryente ang isang tao, makukulong siya ng hanggang 12 years at pagmumultahin ng hanggang Php 20,000.


Pwede rin siyang singilin para sa karagdagang nakonsumong kuryente.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?

 May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?


Tanong: Atty, makakasuhan o paparusahan po ba ang mga nagtitinda ng pekeng sapatos?


Sagot: Oo. Ayon sa Section 155 ng Intellectual Property Code o RA 8293, counterfeit o peke ang produkto kung ginagamit ang trademark o brand name ng walang pasabi sa may-ari, o gumawa ng halos kaparehong produkto ng walang permiso sa may-ari.


Kung napatunayang may sala ang nameke, makakasuhan siya ng Infringement at pwedeng maningil ang may-ari ng danyos at irecover

ang napagbilihan mula sa counterfeit products.


Ayon sa Section 157 ng RA 8293, pwede ring iutos ng korte na sirain ang pinekeng produkto.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang social engineering at e-mail phishing?

 

Ano ang social engineering at e-mail phishing?

Ano ang social engineering at e-mail phishing?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang social engineering ay isang uri ng panloloko para makakuha ng mga sensitibo at personal na impormasyon. Gagamitin ang mga nakuhang impormasyon para ma-access ng manloloko ang financial account ng biktima upang para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Social Engineering


Panlilinlang o pag-manipulate ng tao para makakuha ng personal at sensitibong impormasyon para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Email-Phishing


Isang uri ng social engineering na ilegal na kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mapanlinlang o mapanlokong e-mail.


Gagamitin ng scammer ang nakuhang impormasyon para mabuksan ang iyong account at makuha ang laman nitong pera.


Paalaala!


Huwag i-click ang link na matatanggap sa e-mail, lalo na kung sinasabihan ka nitong magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.


Mungkahing Basahin:

Ano ang kaso sa misis na nakipagrelasyon at sumama sa tomboy?

 Ano ang kaso sa misis na nakipagrelasyon at sumama sa tomboy?


Same-Sex Infidelity


Tanong: Atty., once po ba ang iyong wife ay nakipag relasyon sa tomboy at iniwan yung asawa nya para sumama sa tomboy, may kaso po ba yun?


Sagot: Meron. Pero ang tanong, gusto mo pa rin bang makasama ang misis mo na iniwan ka para sa tomboy? Kung hindi, dalawa ang pwede mong gawin:

1. Kung nilihim niya noong kinasal kayo na lesbian siya o homosexual, maaari mong ipa-annul ang kasal ninyo sa ilalim ng Article 46 ng Family Code dahil panloloko ito;

2. Kung walang paglilihim na naganap, maaari kang mag-file ng petition for Legal Separation sa ilalim ng Article 55 ng Family Code. Sa Legal Separation kasal pa rin kayo

pero pinapayagan ng korteng maghiwalay kayo at paghiwalayin ang inyong ari-arian at pag-usapan ang custody at sustento sa mga anak.


Pwede rin mag-file ng kaso para sa Alienation of Affection o danyos laban sa tomboy na nanulot ng misis sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code dahil naging sanhi siya ng

inyong hiwalayan.


Walang krimeng naganap dahil pareho silang babae. Kung lalaki ang nanulot ng misis mo, pwede sanang magsampa ng Adultery laban sa misis mo at kabit niya.


May parusang bilanggong hanggang anim na taon para sa kanilang dalawa.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Depensa ba laban sa krimen ang pagganti?

 Depensa ba laban sa krimen ang pagganti sa nagtangka sa pamilya mo?


Abswelto o Kulong?

Atty., ask ko lang po, kung pinagtangkaan po yung isa sa miyembro ng pamilya ko, tapos ako po mismo iyong gumanti sa gustong magtangka sa pamilya ko,

may kaso po ba? Kumbaga papatayin po iyong isang miyembro ng pamilya ko, tapos nilabanan ko po para idepensa.


Meron. Kakasuhan ka para sa pagpaslang sa taong nagtangka sa pamilya mo. 


Ang tanong: may depensa ka ba?


Sa Revised Penal Code, kinikilala ang pagtatanggol sa pamilya o kamag-anak na depensa kung may:

1. Unlawful Aggression;

2. Reasonable Necessity of the Means Employed; at

3. Lack of Sufficient Provocation


Kung naganap ang pagtatangka sa harapan mo at may malinaw na panganib sa pamilya mo, merong Unlawful Aggression. 


Baka naman ilang araw ang lumipas bago mo inunahan sila. Hindi pwede yan.


Dapat ding resonable at kinakailangan ang pamamaraang ginamit mo para ipagtanggol sila.


Baka naman tinakot lang na pagbuhatan ng kamay ang pamilya mo, tapos binaril mo. Hindi pwede yan.


Dapat ding hindi ikaw ang nagsimula o nag-udyok sa biktima na atakihin ang pamilya o kamag-anak mo, para masabing walang Sufficient Provocation.


Kung kulang ang alinman sa mga nabanggit, hindi ganap ang depensa mo at makakabawas lamang sa bigat ng parusa o kalalaan ng krimen ang ginawa mo.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Pwede bang idemanda ang asawang nakabuntis ng iba?

 Pwede bang idemanda ang asawang nakabuntis ng iba?


SAGOT:


Depende.


Sa ilalim ng Article 334 ng Revised Penal Code, para managot ang nangangaliwang asawa para sa concubinage, kinakailangang i-bahay niya ang kabit o umasta sila sa publiko na parang mag-asawa. Ibig sabihin, hindi sapat na nakipagtalik siya sa iba o nakabuntis siya ng iba. Pero sa ilalim ng RA 9262 o Anti-VAWC Law, kinikilalang Psychological Abuse ang pangangaliwa laban sa misis na paglabag ng nasabing batas. Dahil dito, maaaring idemanda ang mister kung nakabuntis siya ng iba.


Kapag nahatulang may sala, maaari siyang makulong ng hanggang 12 years, pagmumultahin ng hanggang 300,000 pesos, at sumailalim sa psychological counselling.


Pinagmulan: @attytonyroman, sundan siya sa instagram


Mungkahing Basahin:

Pangongopya ng content, labag sa batas

 Pangongopya ng content, labag sa batas


In the digital world, sobrang importante na maprotektahan ang mga creations ng bawat content creator. Based sa Intellectual Property laws ng Pilipinas, ang pagnanakaw o paggamit ng content nang walang pahintulot ay isang violation sa rights ng original creator. Kaya mahalaga ang COPYRIGHT REGISTRATION para masigurong sa’yo talaga ang iyong mga likha at mapanatili ang control dito.


Someone stole my content and posted it on their social media platforms.


Monetized pa yung page! Ano ang rights ko as a content creator?


Pwede mong kasuhan ang nag nakaw ng content mo for violating section 177 of the intellectual property code of the Philippines or RA 8293, the violator maybe imprisoned for up to 9 years and be fined for up to 1.5 million pesos depende kung pang-ilang offense na niya ito.


Under the intellectual property Code of the Philippines, kung gumawa ka ng original content kagaya ng video, photo or kahit anong copyrightable work, ikaw lang ang pwedeng mag-reproduce, distribute o e-display ang content mo unless may binigay ka na permiso, without permission that will be violation of the law pero may mga exceptions ayon sa section 184 at 185 ng Intellectual Property Code pero generally, bawal talaga mangopya ng original content na walang pahintulot kahit na nilagyan pa ng credit to the owner, bawal pa rin yan. 


Ang allowed lang ay ang pag share through the share button or repost button or retweet because then there is consent and proper attribution as a content creator you have to understand that kahit hindi nakaregister yung copyright mo may karapatan ka magkaso but syempre it is still best to register your copyright with the intellectual property office of the Philippines for stronger protection of your original work 


Pinagmulan: @hey_attorney, follow at instagram


Mungkahing Basahin:

Overseas Kabit

 Overseas Kabit


Makukulong ba ang asawang lalaki kung may kabit siya sa ibang bansa?


Depende. Kahit umasta sila sa publiko na parang mag-asawa o binahay ng lalaki ang kanyang kabit sa ibang bansa, hindi siya makakasuhan ng Concubinage kasi

naganap ang krimen sa ibang bansa.


Pero maaari siyang managot para sa paglabag ng Anti-VAWC Law na pinagbabawal ang pangangaliwa ng lalaki, kung kasal kayo, bilang psychological violence.


Bagamat nangyari ang pangangaliwa sa ibang bansa, naramdaman ang epekto nito, ang emotional o mental anguish nito sa Pilipinas.


Kapag nahatulang may sala ang akusado, makukulong siya ng hanggang 12 years at/o pagmumultahin ng hanggang 300k pesos.


Pinagmulan: @attytonyroman (follow at instagram)


Mungkahing Basahin:


Nangaliwa ang asawa? Pwedeng kasuhan ng VAWC!

Nangaliwa ang asawa? Pwedeng kasuhan ng VAWC! Alamin kung paano itinuturing na psychological violence ang infidelity ayon sa batas.


Alam niyo ba na ang mangaliwa sa asawa ay pwedeng kasuhan ng VAWC? 


Sa anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262) itinuturing na krimen ang phychological violence at pagdulot ng mental o emotional anguish sa babaeng karelasyon o asawa at ayon sa Supreme Court sa isang kaso "Marital infidelity is one of the forms of psychological violence."


Sa isang kaso XXX v. People, G.R. No. 252739, April 16, 2024, sinubukang gawing depensa ng lalake na nung nagkaroon siya ng anak sa ibang babae ay hindi niya naman sinadyang saktan ang asawa pero ang sagot ng korte ang tinitignan sa ganitong mga sitwasyon ay ang epektong nadulot sa babae hindi ang motibo ng lalake dagdag pa nila obvious naman na maling mangaliwa ang asawa kahit hindi sinasadya kung masasaktan ang iba dapat mag-isip-isip na.


Pinagmulan: cheldiokno (follow him at instagram) 


Mungkahing Basahin:

Kaso kung nilagyan mo ng laxative ang baon

 May kaso ba kung nilagyan mo ng laxative ang baon mo para mahuli kung sino ang nagnanakaw?


Atty, pwede po bang lagyan ng laxative and pagkaing baun ko para malaman ko kung sino ang nagnanakaw ng baon ko sa ref namin sa work? Wala po bang magiging kaso doon?


Delikado yan. Sa isang banda, bawal ang pagnanakaw ng pagkain. Sa kabilang banda, bawal ang manakit ng kapwa.


Kung nilagyan mo ng lason o laxative ang pagkaing alam mong nanakawin at napinsala ang kumain nito, may intensyon kang manakit ng kapwa. Kapag nangyari ito, Physical Injuries ang krimeng ginawa mo. Kung hindi kalalaan, maaaring Slight Physical Injuries ang ikaso sa iyo. Kung nahatulan kang may sala, mabibilanggo ka ng 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan kung mahigit 9 days na hindi nakapagtrabaho ang biktima o nangailangan siya ng doctor.


Kung patuloy siyang nakapagtrabaho o hindi siya nangailangan ng doctor, mabibilanggo ka ng hanggang 30 araw o pagmumultahin ng 40k pesos. May ibang paraan para matigil ang pagnanakaw ng pagkain mo o mahuli ang magnanakaw. Bakit hindi kausapin ang mga katrabaho, ang boss mo o ang security guard? Meron bang CCTV? Meron bang mga saksi? Meron bang ibang pwedeng pagtaguan ng pagkain? Pag-isipan muna.


Pinagmulan: attytonyroman (follow him at instagram)


Mungkahing Basahin:

May krimen ba kung nakipagtalik ang 18 years old

 

krimen ba kung nakipagtalik ang 18 years old

May krimen ba kung nakipagtalik ang 18 years old sa girlfriend niyang 16 years old?


SAGOT:


Depende. Una, dapat tandaan na may kakayahan ang sinumang tao sa edad na 16 na magbigay ng pahintulot.


Sa ilalim ng RA 11648, itinaas ang age of consent mula 12 years old hanggang 16 years old. Ibig sabihin niyan, hindi maituturing na rape, sa ilalim ng RA 8353 o Anti-Rape Law, ang pakikipagtalik sa isang 16 years old pataas kung ito ay may pahintulot niya.


Hindi rin ito maituturing na child abuse sa ilalim ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Sa kasong Bangayan v. People, kinilala ng Korte Suprema ang consent o pagbibigay pahintulot bilang depensa sa kasong paglabag ng Section 5 ng RA 7610 na maaaring pagbatayan ng kasong child abuse kung nakipagtalik ang menor de edad dahil sa impluwensya o pananakot ng taong nasa hustong gulang o dahil sa pera. Hindi ibig sabihin na dahil adult ang pinaratangan, ginamit niya ang impluwensya niya para makipagtalik sa menor de edad.


Hindi rin ito Simple Seduction under Article 338 ng Revised Penal Code, maliban na lang kung nakuha ang pahintulot na makipagtalik dahil sa panlilinlang.


Pinagmulan: attytonyroman (instagram)


Mungkahing Basahin:



Tinanim sa Lupa ng Iba, Sino ang may-ari?

 Tinanim sa Lupa ng Iba, Sino ang may-ari?


Ang taong: May kapitbahay kami nagtanim sa parte ng lupa namin. Tapos inaangkin ang bunga kasi kahit di daw nila lugar, sila naman nagtanim. Tama po ba yun?


Ang sagot: Mali po sila dyan. Ang general rule ay nasa article 455 ng civil code. Ang may ari ng lupa ang may karapatan sa anumang itatayo, itatanim, o ipupunla dito at dahil alam naman ng kapitbahay niyong sa inyo yung lupa, kayo ang may karapatan dito. 


Sa articles 449-452 ng civil code ito ang pwede nyong gawin.  May tatlong options kayo.

  1. Una, angkinin ang tinanim,
  2. Pangalawa piliting ipatanggal ito para ibalik sa dati ang lupa,
  3. Pangatlo, pilitin silang magbayad ng upa,


dagdag dyan pwede pang maningil ng danyos sa pinasalang naidulot sa inyo.


Pinagmulan: @cheldiokno (follow @instagram)


Mungkahing Basahin:

Bawal Bastos Law

 Bawal Bastos Law


Ang tanong: Kinasuhan po ako ng isang babae dahil sinabihan ko po siya ng maganda, bastos lang daw po. Ano pwede ko gawin?


Ang sagot: Kung kinasuhan ka under the Safe Spaces Act or RA 11313 dahil sinabihan mo ang isang babae na maganda siya, you have to prove the fact that you did it in such a way that is respectful, non intrusive at hindi persistent, pero kung makulit ka talaga at paulit-ulit mo siyang sinabihan na maganda siya or sinamahan mo ng gesture na malaswa o nilapitan mo siya kahit ayaw naman niya sayo then im sorry to say, pwede ka maging guilty under the Safe Spaces Act or the Bawal Bastos Law. 


If paulit-ulit mo kasi siyang sinabihan na maganda siya or hinaluan mo nang malaswang gesture like lets say nag kagat labi ka, this is a punishable offense under the law, this may be considered as an uninvited and unwanted comment on a person's physical appearance, so para sayo parang wala lang pero sa babae, nabastos siya.


If you are found guilty of this, you may be punished by a fine of 1,000 pesos or community service for 12 hours. If umabot naman ng third offense, then it could be imprisonment of up to 30 days, so if you are innocent you have to find and present proof na hindi mo ito ginawa in a bastos or disrespectful manner at hindi mo kinulit yung babae, pero kung nagkamali ka talaga then just be ready to apologize and accept the consequences of your crime and next time let this be a lesson learned for you to keep your comment to yourself and always be respectful.


Pinagmulan: @hey_attorney 


Mungkahing Basahin:

Valid ba ang verbal agreements sa Pilipinas?

 Valid ba ang verbal agreements sa Pilipinas?


Ang sagot sa tanong ay oo, ang verbal agreements ay valid sa Pilipinas. Ito ay ayon sa article 1305 ng kodigo sibil ng Pilipinas. Sapagkat kung ang pinag uusapan ay kontrata, maaari itong nakasulat o salita lamang, ang importante ay matupad ang mga elemento ng isang kontrata. Ang elemento ng isang kontrata na kinikilala ng batas bilang may bisa ay ang mga sumusunod:

  1. Consent, 
  2. Object, at 
  3. Cause.


Pero may mga exceptions dito, gaya ng sa statute of frauds, ang halimbawa ng mga kontrata na kailangang nakasulat ay ang pagbenta at pagbili ng bahay o ang pagrenta sa bahay na tatagal ng higit sa isang taon. 


Ang general rule ay ok lang ang verbal agreements pero may mga exceptions kagaya ng una nang nabanggit.


Pinagmulan: Atty. Bernice Rodriguez (@hey_attorney via instagram)


Mungkahing Basahin:


Pekeng Dentista

 Pekeng Dentista, Ano dapat gawin?


Pumunta po ako sa dentist for teeth cleaning but I later found out na hindi pala lisensyado yung dentista na napuntahan ko. Ano pong pwede kong gawin?


Pwede mong i-report ang klinika sa mga otoridad upang maipasara ang naturang klinika at upang maaresto ang pekeng dentista.


Yung pag operate nya ng clinic at pagpapanggap bilang lisensyadong dentista ay paglabag sa RA 9484 o ang Philippine Dental Act of 2007. Ayon sa section 33A ng naturang batas, pwedeng maparusahan ng hanggang 5 taong pagkakakulong at multang nagkakahalaga hanggang 500,000 libong peso ang pekeng dentista.


Kahit sabihin pa nating napakagaling nung pekeng dentista o walang nasaktan o napahamak sa kaniyang mga pasyente, ito ay paglabag pa rin sa batas. Kung biktima ka halimbawa ng pekeng dentista at nagpa-brace ka o nagpalinis tapos peke pala yung dentista, pwede mo i-report ito sa mga otoridad upang maipasara ang klinika.


Pinagmulan: Attorney Bernice Rodriguez (@hey_attorney via instagram)


Mungkahing Basahin: