Overseas Kabit
On Krimen
Overseas Kabit
Makukulong ba ang asawang lalaki kung may kabit siya sa ibang bansa?
Depende. Kahit umasta sila sa publiko na parang mag-asawa o binahay ng lalaki ang kanyang kabit sa ibang bansa, hindi siya makakasuhan ng Concubinage kasi
naganap ang krimen sa ibang bansa.
Pero maaari siyang managot para sa paglabag ng Anti-VAWC Law na pinagbabawal ang pangangaliwa ng lalaki, kung kasal kayo, bilang psychological violence.
Bagamat nangyari ang pangangaliwa sa ibang bansa, naramdaman ang epekto nito, ang emotional o mental anguish nito sa Pilipinas.
Kapag nahatulang may sala ang akusado, makukulong siya ng hanggang 12 years at/o pagmumultahin ng hanggang 300k pesos.
Pinagmulan: @attytonyroman (follow at instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Overseas Kabit "