Kalamay
Maaari rin itong lagyan ng mantekilya, peanut butter o banilya para mas sumarap ang lasa.
Mayroong iba’t ibang uri ng kalamay na maaaring ikategorya sa dalawa. Ang una ay ang mala-arnibal na uri na karaniwang ginagamit na pampatamis sa ibang pagkaing tulad ng suman at bukayo. Ginagamit din itong pampalasa sa mga inumin tulad ng kape, gatas, at tsokolate. Ang ikalawa naman ay ang maligat at malagkit na uri na karaniwang kinakain nang mag-isa.
Karaniwan itong ipinapampasalubong.
Ang paggawa ng kalamay ay nagsisimula sa paggagata ng niyog nang dalawang beses. Ang unang gata ng niyog ay inihahalo sa malagkit na bigas na giniling hanggang maging napakapino ng testura nito. Ang ikalawang gata ng niyog naman ay inihahalo sa asukal at ito ay pakukuluan nang ilang oras upang makagawa ng latik.
Ang dalawang grupo ng sangkap ay siya namang paghahaluin hanggang maging malagkit ang tekstura nito. Kailangang maging tuloy-tuloy ang paghalo sa loob ng mga apatnapu’t limang minuto hanggang isang oras upang maging pantay ang tekstura nito.
Kapag nakuha na ang nais na lagkit ng kalamay, maaari na itong ihanda at kainin. Maaari rin itong palamigin muna bago ihanda upang mas mabilis itong kainin.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kalamay "