On
Ang kakaw (Theobroma cacao) ay isang uri ng punongkahoy na ang buto ng bunga ay nagiging sangkap sa paggawa ng kokwa at tsokolate. Nagmula ito sa kagubatang tropiko ng Amerika.


Karaniwang tumataas ito ng 15 metro subalit ang pinamumungang puno ay sadyang pinuputulan upang madali ang pamimitas ng bunga. Ang dahon nito ay makinis na kulay berde at hugis biluhaba, samantalang ang bagong dahon ay nagkukulay pula.


Kilala ang punong kakaw sa pagkakaroon ng butong ipinoproseso upang gawing tsokolate. Ang bunga nito ay hugis biluhaba na karaniwang may sukat na ay 15-30 sentimetro ang habà at nagkukulay dilaw na kahel kapag ito ay nahinog.


Ang isang bunga ay maaaring magkaroon ng 20-60 butó na binabalutan ng puting sapal na siyang pinagmumulan ng pulbos na tsokolate. Nagagamit din ang sapal nito sa paggawa ng inumin.


Ayon sa kasaysayan, ang unang Europeo na nakatagpo sa puno ng kakaw ay si Cristobal Colon noong taóng 1502. Kasama ang ibang manlalayag, namangha sila sa puno na noong una ay inakalang puno ng almond.


Ang kaalaman tungkol sa paggawa ng tsokolate mula sa punò ng kakaw ay nagmula sa mga Espanyol. Sa wikang Griyego, ang salitang theobroma ay nangangahulugang “pagkain ng mga diyos.”


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: