Bunga
Ang A. catechu ay pinakakilala sa lahat ng miyembro ng genus na Areca. Ito ay may taas na umaabot hanggang 20 metro at ang katawan ay may diyametrong 10-15 sentimetro. Ang mga dahon ay may habang isa hanggang dalawang metro at nakaayos na tila pakpak ng ibon. Matatagpuan ang bunga sa Timog-Silangang Asia, lalo na sa Malaysia, Vietnam, at Pilipinas.
Mapakla at maanghang ang prutas ng bunga. Popular ito sa mga matatanda dahil sa tradisyon ng pagnganga, nginunguya nila ito kasama ng dahon ng betel at apog. Madalas din itong mapagkamalang betel dahil isinasabay nga ito sa pagnguya ng dahon ng betel.
Ang pagnguya ng nganga (tinatawag ding buyo) ay isang sinaunang tradisyon. Maririnig ito at makabuluhang bahagi sa mga epikong-bayan.Isang pakikipagsapalaran ni Tuwaang, bayani ng epikong-bayang Bagobo, dumalo siya sa isang kasal at naging sanhi ng mahabang paglalaban ang sigalot na dulot ng nganga.
Isang makulay na tagpo sa isang epikong-bayan sa Cordillera ang pagpunta sa digma ng isang hukbo habang ngumunguya ng nganga. Pagkuwan, sabaysabay silang dumura, at wika ng nagsasalaysay, “nagkulay dugo ang gilid ng bundok.”
May taglay itong stimulant at itinuturing na pang-apat sa mga sustansiyang adiktiba pagkatapos ng caffeine, nicotine, at alkohol. Sinasabing ang pagnganganga ng bunga at dahon ng betel ay maaaring maging sanhi ng kanser sa bibig, lalamunan, lalaugan, at tiyan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bunga "