Kasaysayan ng Saligang Batas ng 1973
Noong Nobyembre 10, 1970, isang espesyal na halalan ang idinaos para maghalal ng mga bubuo ng mga miyembro ng itatatag na Constitutional Convention, na siyang magbabalangkas sa bagong Saligang-Batas na papalit sa ginagamit noong Konstitusyon ng 1935.
Sa sistema ng halalang ito, bawat distrito sa nga lalawigan sa buong Pilipinas ay may ihahalal lang na dalawang delegado o kinatawan, na aabot sa 320. Nahalal na Pangulo ng Constitutional Convention ang 73-anyos na dating Pangulong Carlos P. Garcia, at noong unang araw ng Hunyo, 1971 ay nanumpa sa tungkulin ang mga nahalal na mga delegado ng Constitutional Convention o ConCon at si Garcia. Pero ika-14 ng Hunyo sa parehong taon nang namatay si Garcia at humalili sa kanya sa pwesto ang dati ring Pangulong Diosdado Macapagal.
Apektado ang pagkilos ng nasabing kumbensyon nang magdeklara ng Batas Militar si Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 1972. Inaresto ang 11 mga miyembro ng kumbensyon na pinagsuspetsahang miyembro ng oposisyon at lubos na kinontrol ng pamahalaan ang paggulong ng kumbensyon. Nabahiran rin ng kontrobersya ang kredibilidad ng ConCon nang isiniwalat ng isa sa mga delegado nito na si Eduardo Quintero na isa siya sa mga delegadong tumanggap ng suhol mula sa alyas na “Money Lobby”, para isalpak ang probisyon sa bagong Konstitusyon na magpapahaba pa sa termino ni Pangulong Marcos, partikular na ang pagpapalit sa sistema ng pamahalaan mula Presidential papuntang parliamentary. Pinangalanan rin niya ang 14 na kataong sangkot sa payola scheme na ito, kung saan dawit rito ang pangalan ni Imelda Marcos, at asawa ng isa sa mga delegado ng ConCon.
Sa kabila ng pagkaantala ng operasyon ng ConCon dahil sa Batas Militar at ang exposé ni Quintero, ika-29 ng Nobyembre, 1972 nang inaprubahan ng ConCon ang huling balangkas ng bagong Konstitusyon at idinaan ito sa pambansang plebisito para aprubahan ito at maratipikahan.
Mga Sanggunian:
• National Historical Commission of the Philippines
https://nhcp.gov.ph/1971-constitutional-convention-marker-unveiled-on-its-50th-anniversary/
• Bantayog
https://www.bantayog.org/quintero-eduardo-t/
• Wikipedia
https://en.m.wikipedia.org/wiki/1970_Philippine_
No Comment to " Kasaysayan ng Saligang Batas ng 1973 "