Ang Watawat ng Pilipinas
Pambansang Watawat ng Pilipinas
Ito ang ating pambansang watawat mula pa nuong 12 Hunyo 1898 - hanggang 22 Marso 1901; 30 Oktubre 1919 - hanggang sa kasalukuyan.
Ang ating pambansang watawat ay sa bisa ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 at Batas Republika Blg. 8491 (1998).
Ang Watawat ng Pilipinas
Isa sa mahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas.
Tatlo ang pangunahing kulay nito.
- Bughaw,
- Pula, at
- Puti.
Ang kulay bughaw sa watawat ng Pilipinas ay nangangahulugan ng kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.
Ang kulay pula naman ay nangangahulugan ng kagitingan na nagpapaalala sa matatag na kalooban ng mga mamamayan.
Ang kulay puti naman ay nangangahulugan ng kalinisan ng puri at dangal ng mga Filipino.
Ang tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas
Ang tatlong bituin sa watawat o bandila ng Pilipinas ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng
pulo ng Pilipinas. Ang mga pulong ito ay ang
- Luzon,
- Mindanao, at
- Visayas.
Ang unang bituin, ang pulo ng Luzon ay hango sa salitang “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa palay. Ito ang sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.
Ang ikalawang bituin, ang pulo ng Mindanao ay hango sa salitang “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.
Ang ikatlong bituin, ang pulo ng Visayas ay hango sa salitang “masaya.”Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.
Araw sa gitna ng tatsulok
Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan.
Ang walong sinag
Ang walong sinag ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan. Ang mga probinsiyang ito ay ang
- Maynila,
- Bulacan,
- Pampanga,
- Nueva Ecija,
- Bataan,
- Laguna,
- Batangas, at
- Cavite
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang kulay ng watawat ay nasa itaas habang nakawagayway.
Si Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng watawat ng Pilipinas. Sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad ang tumahi sa watawat sa loob ng limang araw sa Hongkong.
Noong Hunyo 12, 1898, iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo.
Pambansang Watawat
Ang Pambansang Watawat ay unang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898 bilang simbolo ng ating kalayaan mula sa pananakop. Si Marcela Mariño de Agoncillo, isang babaeng may pagmamahal sa bayan na may talento sa pananahi, ang pinakiusapan ni Hen. Emilio Aguinaldo na gawin ang watawat.
Ang disenyo nitó ay nagmula sa masuring diskusyon at pag-aaral ni Aguinaldo kasáma ang iba pang mga pinunò, at tinawag nilá itong “Ang Araw at Mga Bituin.” Ang bawat kulay, hugis, at disenyo ng watawat ay may simbolong kaakibat. Ang putîng triyanggulo sa kaliwa ay sumasagisag ng pag-asa sa pagkakapantay-pantay, ang asul na kulay sa itaas ay sumisimbolo ng kapayapaan, katotohanan, at hustisya, hábang ang puláng kulay sa ibabâ ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan at kagitingan.
Ang araw sa gitna ng putîng triyanggulo ay may walong sinag na kumakatawan sa unang walong probinsiya na lumaban sa Espanya: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Hábang ang tatlong bituin sa bawat sulok ng tatsulok ay kumatakatawan sa tatlong pangunahing pulô sa ating bansa: ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang paggawa sa unang watawat ay inabot ng limang araw upang matapos. Kasáma ni Agoncillo ang kaniyang anak na babae na si Lorenza, at ang pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Herbosa de Natividad sa pagtahi. Ang mga telang kanilang ginamit ay nagmula pa sa Hong Kong.
Noong 23 Agosto 1907, pagkatapos sumuko ni Aguinaldo sa awtoridad ng Estados Unidos, ang “Flag Law” ay ipinatupad. Ito ay nagsasaad na ang paggamit ng watawat ng Filipinas ay ipinagbabawal kahit saan. Ikinalungkot ito ng mga Filipino at ipinagprotesta. Ipinaglaban nilá ang karapatan sa paggamit ng ating watawat. Naibalik ang dangal at respeto nitó nang aprobahan ni Gobernador-Heneral Francis Harrison ang pagpapawalangbisà ng Flag Law at ipinatupad ang “Flag Day” noong 30 Oktubre 1919. Simula noong araw na iyon ay maaari na muling gamitin ang watawat sa mga pampublikonglugar. Gayunman, ang ipinagdiriwang ngayong “Flag Day” ay mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.
Kaugnay na Artikulo:
No Comment to " Ang Watawat ng Pilipinas "