Mahahalagang bagay na dapat nating malaman at gawin tungkol sa watawat
On Pamumuhay
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas; Bagay na dapat nating malaman at gawin tungkol sa watawat:
1. Ang tagdan o flagpole ay dapat laging nasa prominenteng lugar.
2. Kung ito ay nakabitin, ang kulay asul ay dapat nasa gawing kaliwa (ng tumitingin), samantalang ang araw at bituin ay laging nasa bahaging itaas.
3. Ang pinakamaliit na sukat na haba ng watawat ay 1/4 ng taas ng tagdan, samantalang 1/3 kung ito’y pinakamalaking sukat.
4. Kung nakahanay paharap, ang watawat ay laging nasa dulong kaliwa ng linya. Ang ibang watawat ay nakaayos alinsunod sa titik ng alpabeto.
5. Sa Ayos hating-bilog, ito ay dapat laging nasa gitnang bahagi.
6. Kung papasok sa silid na may watawat, ang watawat ay dapat nasa gawing kaliwa ng tumitingin.
7. Ang watawat na naka-halfmast ay tanda ng pagluluksa. Maaari rin itong takip sa kabaong ng namayapang marangal na tao.
8. Kung ito ay ipaparada kasama ng watawat ng tanggapan, dapat itong nasa harap at gitnang bahagi ng linya.
9. Sa parada kasama ang watawat ng ibang bansa, dapat itong nasa gawing dulong kaliwa, kasunod, ng ibang watawat na nakaayos alinsunod sa alpabeto.
Pinagmulan: @PIA_RIII
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mahahalagang bagay na dapat nating malaman at gawin tungkol sa watawat "