-->
Browsing Category " Pamumuhay "

Kapag ang mana ay nakuha bago yung kasal

 Kapag ang mana ay nakuha bago yung kasal, magiging bahagi na siya ng absolute community of property. Kapag ang mana ay nakuha sa panahon ng kasal o habang kasal, ito hindi masasama sa absolute community of property at ito ay magiging eksklusibong pag-aari ng asawang nagmana.


Ito ay ayon sa Articel 92 ng Family Code.


Sa kasal, "What's mine is yours" - pero hindi laging totoo yan ayon sa Article 92 ng Family Code! Hindi lahat ng ari-arian ng mag-asawa ay awtomatikong paghahatian.


Hindi kasama sa community property ang

1. Mga nakuha ng libre (gratuitous title) sa panahon ng kasal, gaya ng mana o donasyon, maliban kung sinabi ng nagbigay na dapat mapunta sa mag-asawa.

2. Personal at eksklusibong gamit, pero wait lang! Kasama ang alahas sa community property. Hindi mo pwede solohin ang hikaw.

3. Ari-ariang pag-aari bago ang kasal ng isa sa mag-asawa na may anak sa unang kasal, pati ang mga kinita at kikitain pa nito.


Noon at Ngayon:


Bago ang Family Code (o bago August 3, 1988), ang Civil Code ang sinusunod sa kasal at property relations. Dito, lahat ng properties na napundar DURING MARRIAGE ay PRESUMED na conjugal property ayon sa Article 160 ng New Civil Code.


Ano ang ibig sabihin nito?

- Basta napundar ang property during marriage, presumed na conjugal ito.

- Para mapatunayang exclusive property ito ng isa sa mag-asawa, dapat may clear, categorical, at convincing proof na hindi ito conjugal.


Pagdating ng Family Code, may tatlo na tayong property regimes:

1. Absolute Community of Property – lahat paghahatian except sa mga nabanggit sa taas na excluded sa community property

2. Conjugal Partnership of Gains – ang income o fruits lang ang paghahatian

3. Complete Separation of Property – kanya-kanyang kayod, kanya-kanyang yaman!

Hindi porket kasal kayo, hati na agad sa lahat. May exemptions, may twists—kaya always check the law bago mag-“akin na ’yan!”


Pinagmulan: fb/abogado ng bayan


Mungkahing Basahin:


Gustong tusukin ng gwardya yung loob ng bag mo

 Gustong tusukin ng gwardya yung loob ng bag mo


Papasok ka ng mall. Gustong tusukin ng gwardya yung loob ng bag mo. Pwede mo bang tanggihan? Ang sagot ay pwede mo naman tanggihan pero pag tinanggihan mo ay di ka na pwedeng pumasok sa mall. Bakit? May dalawang rason.

  1. Yung right to privacy natin ayon sa saligang batas ay magagamit lang laban sa public officer gaya ng pulis, yung security guard ay isang pribadong tao o private person kaya di natin pwede e-invoke yung right to privacy.
  2. Yung may ari ng mall ay may karapatang protektahan ang kanilang ari-arian o lugar kaya pwede nilang e-check yung bag ng papasok sa kanilang mall.


Pinagmulan: fb/Anselmo S. Rodiel IV

Mga dapat tandaan upang makaiwas sa sunog

 

Mga dapat tandaan upang makaiwas sa sunog


Mga dapat tandaan upang makaiwas sa sunog

  1. Hugutin sa sasakyan ang mga appliances at patayin ang gas stove kung hindi gagamitin.
  2. Iwasan ag electrical overload.
  3. Huwag mag-imbak ng mga bagay na maaaring maging sanhi ng sunog gaya ng oil at gas lamps at pintura.
  4. Ilayo sa mga bata ang mga pwedeng pagmulan ng sunog gaya ng kandila.
  5. Maglagay ng fire extinguisher sa bahay at alamin ang paggamit nito.


Pinagmulan: fb/PCADG Cordillera


Mungkahing Basahin:

Mga dapat bayaran sa paglilipat ng titulo ng lupa

 Mga dapat bayaran sa paglilipat ng titulo ng lupa


Alam mo ba kung magkano ang kabuuang magagastos sa paglilipat ng titulo ng lupa? Huwag mabigla sa gastos, Narito ang mga dapat bayaran.

  1. Capital Gains Tax - 6% ng selling price o zonal value  (alinman ang mas mataas) - halimbawa, kung ang halaga ng lupa ay Php 1,000,000 pesos, ang Capital Gains Tax o CGT ay Php 60,000 pesos.
  2. Documentary Stamp Tax (DST) - 1.5% ng selling price o zonal value.
  3. Transfer Tax - 0.5% sa probinsya o 0.75% sa lungsod ng halaga ng lupa. Sa ating halimbawa, kung nasa lungsod, ang transfer tax ay Php 7,500 pesos.
  4. Registration fee sa Registry of Deeds - depende sa halaga ng lupa (humigit-kumulang Php 8,000 hanggang Php 10,000.
  5. Notary fees, processing fees at iba pang bayarin - pwede pang umabot ng Php 10,000 pesos hanggang Php 15,000 pesos.
  6. Tinatayang kabuuang gastos sa pagpapatitulo - sa isang million na lupa, nasa Php 100,000 hanggang Php 110,000 ang kabuuang gastos.


Mungkahing Basahin:

Karapatan ng anak sa labas

 Karapatan ng anak sa labas


May habol ba sa mga ari-arian ng mga kasal na magulang ang mga anak sa labas?


Atty,, ano po ba ang mga karapatan ng anak sa labas? May makukuha ba ang anak sa labas sa ari-arian ng magulang niyang kasal sa iba?


Ayon sa Article 175 ng Family Code, karapatan ng anak sa labas ang mga sumusunod:

- Gamitin ang apelyido ng ina;

- Kilalanin ng ama;

- Gamitin ang apelyido ng ama kung kinikilala siya ng kanyang ama at pumayag ang ina;

- Mapailalim sa custody ng kaniyang ina, maliban na lang kung may ibang desisyon ang korte;

- Mabigyan ng suporta ng mga magulang;

- Mabigyan ng mana mula sa mga magulang, pero ang tatanggaping mana ay kalahati lamang ng mana ng legal na anak; at

- Mabigyan ng benepisyo mula sa social benefits o insurance ng mga magulang.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang love Scam?

 

Ano ang love Scam?

Ano ang love Scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang love scam ay isang uri ng panloloko kung saan paiibigin ng scammer ang biktima bago ito hingan ng pera. Magkakaroon ng iba’t ibang dahilan ang scammer sa paghingi ng pera pero sa huli, hindi na ito magbabayad at hindi na makikipag-usap sa biktima.


Kapag ginamit ang financial account sa love scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment?

 

Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment?

Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment?


Hindi, dahil iba ang Civil Annulment at Church Annulment.


Sa Civil Annulment, Family Court ang nagpapawalang bisa ng kasal, halimbawa, kasi psychologically incapacitated ang isa sa inyo o walang kakayahan ang isa sa inyo na gampanan ang obligasyon sa asawa.


Kapag napawalang bisa ang kasal ng Family Court, pwedeng magpakasal ng civil, halimbawa, sa mayor o hukom.


Sa Church Annulment, ang simbahan ang nagpapawalang bisa ng kasal, halimbawa, dahil sa psychological incapacity, panloloko, pananakot, lack of consent at iba pang piling batayan.


Kailangan ng Civil at Church Annulment para muling ikasal sa simbahan. Kung Church Annulment lamang ang naproseso, magiging walang bisa ang kasunod na kasal dahil hindi ito kikilalanin ng batas.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Goryon, Maya, Mayang-bahay, Mayang Simbahan, atbp.

 

Goryon, Maya, Mayang-bahay, Mayang Simbahan, atbp.

Goryon, Maya, Mayang-bahay, Mayang Simbahan, atbp.

EURASIAN TREE SPARROW (𝘗𝘢𝘴𝘴𝘦𝘳 𝘮𝘰𝘯𝘵𝘢𝘯𝘶𝘴)


Local Names: Goryon, Maya, Mayang-bahay, Mayang Simbahan, atbp.


Notable features:

- maikling tuka

- black patch sa mga pisngi


Other info:

- Very common at residente sa Pilipinas pero exotic o hindi native

- Iba pa sa dating 𝘥𝘦 𝘧𝘢𝘤𝘵𝘰 National Bird na Maya – ‘yun ay Chestnut Muna (𝘓𝘰𝘯𝘤𝘩𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘵𝘳𝘪𝘤𝘢𝘱𝘪𝘭𝘭𝘢)


Pinagmulan: celinemurillo_ (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Rhea Mae Carino

 

Rhea Mae Carino

Rhea Mae Carino (Grade 7 Student)


𝗬𝗗𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹: "𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘦 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘩𝘰𝘬 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘠𝘋𝘚, 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 [𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨] 𝘪𝘣𝘢’𝘵 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘴𝘪𝘬𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘯𝘺𝘶𝘢𝘯 𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯. 𝘓𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘵𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘺𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯. "


Ito ang ibinihagi sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V - Bicol Region ni Rhea Mae Carino, Grade 7 student at isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary mula sa Virac, Catanduanes.


Ang Youth Development Session o YDS ay isang modular na sesyon para sa mga high school beneficiary ng 4Ps. Layunin ng programa na magbigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa mga kabataan upang matulungan silang maunawaan ang mga pagsubok sa kanilang pag-unlad sa buhay sa yugtong ito.


Bukod dito, ito’y naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilahok sa talakayan tungkol sa mga isyung panlipunan upang sila’y maging mas responsible, produktibo, maalam, at marespetong mamamayan.


Pinagmulan: @dswdo5


Mungkahing Basahin: 

Purak, Pirok-pirok, Palago, Parago, Pirruka, Luklak, atpb.

 

Purak, Pirok-pirok, Palago, Parago, Pirruka, Luklak, atpb.

Purak, Pirok-pirok, Palago, Parago, Pirruka, Luklak, atpb.

YELLOW-VENTED BULBUL (𝘗𝘺𝘤𝘯𝘰𝘯𝘰𝘵𝘶𝘴 𝘨𝘰𝘪𝘢𝘷𝘪𝘦𝘳)

Local Names: Purak, Pirok-pirok, Palago, Parago, Pirruka, Luklak, atpb.


Notable features:

- hindi lalagpas ng mata ang black stripe

- dilaw sa ilalim ng buntot


Other info:

- Residente at native sa Pilipinas at sa Southeast Asia

- Maihahalintulad ang huni sa tunog ng nagmumumog

- Ang salitang 𝘣𝘶𝘭𝘣𝘶𝘭 ay “songbird” sa Arabic at Persian languages


Pinagmulan: celinemurillo_ (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Tarat, Tibaas, Panal, Pakiskis, Berdugo, Mamumugot, atbp.

 

Tarat, Tibaas, Panal, Pakiskis, Berdugo, Mamumugot, atbp.

Tarat, Tibaas, Panal, Pakiskis, Berdugo, Mamumugot, atbp.

BROWN SHRIKE (𝘓𝘪𝘯𝘯𝘢𝘦𝘶𝘴 𝘤𝘳𝘪𝘴𝘵𝘢𝘵𝘶𝘴)


Local names: Tarat, Tibaas, Panal, Pakiskis, Berdugo, Mamumugot, atbp.


Notable features:

- black “bandit stripe” na lagpas sa mata

- may kawit sa pang-ibabaw na tuka


Other info:

- Isang “migratory” bird na dumadalaw sa Pilipinas galing Northern Asia mula late September to early April

- May distinct at malakas na huni: 𝘬𝘪𝘤𝘩, 𝘬𝘪𝘤𝘩, 𝘬𝘪𝘤𝘩

- Tinaguriang “Butcher Bird”


Pinagmulan: celinemurillo_ (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito?

 

Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito?

Tanong: Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito?


SAGOT:


Depende.


Ano muna ang SPA o Special

Power of Attorney? Ito'y nakasulat na pahintulot na binibigay sa ahente na kumilos para sa principal o nagbigay nito.


Sa ilalim ng Article 1931 ng Civil Code, kapag namatay ang principal wala nang bisa ang SPA.


Pero sabi rin nito na kapag hindi alam ng ahente at pinaggamitan ng SPA na patay na ang nagbigay nito, may bisa pa rin ito at kikilalanin ang transaksyon na pinahihintulutan nito.


Halimbawa, sa bentahan ng lupa. Kung may inisyung SPA ang may-ari ng lupa para ibenta ito at namatay ang may-ari ng lupa, wala nang bisa ang SPA dahil patay na ang may-ari.


Pero kung parehong hindi alam ng ahente at pinagbentahan na patay na ang may-ari may bisa pa rin ang SPA at valid ang bentahan.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:


Pwede bang tumakbo bilang Senador ang mga celebrity?

 Tanong: Pwede bang tumakbo bilang Senador ang mga celebrity? 


Tatakbo daw bilang Senador ang idol mo ah? Qualified ba sila? Maging matalino sa pagboto!


Sagot: Oo naman, basta qualified


Ang mga qualification para sa kandidato bilang senador ay 

1. Natural born citizen of the Philippines;

2. At least 35 years old;

3. Marunong bumasa at sumulat;

4. Rehistradong botante;

5. Residente ng Pilipinas ng di bababa sa dalawang taon bago ang halalan.


Mga bawal tumakbo:

1. Wala sa tamang pag-iisip o walang kakayahang magdesisyon

2. Mga taong nakulong ng 18 buwan o nasangkot sa krimen tulad ng subversion, rebellion, at bribery maliban kung nabigyan ng pardon o amnesty

3. Napatunayang sangkot sa vote-buying, pakikisabwatan, o may record ng terrorism. Automatic disqualification ang magaganap.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Ano ang proseso para makahingi ng child support?

 

proseso para makahingi ng child support

Ano ang proseso para makahingi ng child support?


SAGOT:


Pananagutan ng magulang, lalo na ng tatay, na suportahan ang anak. Kapag hindi tinustusan ng tatay ang pangangailangan ng kanyang menor de edad na anak, bagamat kaya niya, mananagot siya para sa paglabag ng RA 9262 o Anti-VAWC Law, dahil kinikilalang Economic Abuse ang hindi pagsustento sa menor de edad na anak. May parusang pagkakulong at multa ang nasabing batas.


Sa halip, maaaring mag-file ng Civil Case for Support. Dito, walang kulong.


Bago mag-file ng alin mang kaso, magpadala muna ng Demand Letter para humingi ng sustento. Hindi kinakailangang magmula sa abogado ang Demand Letter, at maaari itong i-text o i-send sa messenger. Ang mahalaga ay nakasulat ang hiling mo at may katibayan na natanggap ito ng tatay ng anak mo.


Kapag hindi tumugon ang tatay ng anak mo sa kahilingan mo, maaari kang dumulog sa VAWC desk ng barangay at/o lokal na DSWD.


Pinagmulan: @attytonyroman, sundan siya sa instagram


Mungkahing Basahin:

Atin ang Baler, Hindi sa Dayuhan!

 

atin ang baler

Atin ang Baler, Hindi sa Dayuhan!


Maliban sa pagtatanod sa labas ng Simbahan ng Baler habang matiyagang hinihintay kung susuko ang mga Espanyol, magiting na hinarang ng mga Pilipino ang tangkang pagligtas sa kanila ng mga Amerikano sa pangunguna ni Tinyente James C. Gillmore noong 12 Abril 1899.


Sa ganitong paraan, ipinakita ng mga Pilipino ang kahandaang tumugon sa bantang panlabas. Hindi rin sila natinag kahit na nang sumunod na araw, pinaputukan ng kanyon ng USS Yorktown ang bayan.


Iginiit din natin ang ating kasarinlan. Sa pananaw ng mga Amerikano, sila ang dapat kumupkop sa mga Espanyol sang-ayon sa Kasunduan ng Paris. Ngunit sa huli, sa atin sumuko ang destacamento ng Baler.


Ang mabuting pakikitungo na ibinigay natin sa mga Espanyol na sumuko ay ipinaabot din natin sa pangkat ni Gillmore. Isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila at naghilom ng mga sugat nila gamit ang katutubong mga gamot.


Pinagmulan: @hhcpofficial

Kasaysayang Panlipunan ng Maynila

 

Kasaysayang Panlipunan ng Maynila

Kasaysayang Panlipunan ng Maynila, 1765-1898

Ma. Luisa T. Camagay, Ph.D.


Unang nilimbag ang aklat na ito noong 1992 at binigyan ng bagong bihis ngayong 2024 ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Si Dr. Ma. Luisa T. Camagay ay professor emeritus ng Departamento ng Kasaysayan, Kolehiyo ng Agham Panlipunan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.


Ang aklat ay nagkakahalaga ng ₱250 bawat kopya. Sa mga nais magkaroon ng kopya, maaari kayong bumili online, sundan lamang ang link na ito: https://bit.ly/CamagayMaynila


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin:

Pwede bang palitan ang apelyido?

 Pwede bang palitan ang apelyido?


Pwede bang palitan ang apelyido o last name mo dahil iniwan ka ng tatay mo? Hindi, unang-una kailangan mong mag-file ng petition sa korte para palitan ang last name mo kasi hindi naman ito clerical error. 


Mag-file ka man, malamang hindi ito ipag-uutos ng korte dahil ilan lang ang mga kinikilalang batayan para palitan ang last name.


Halimbawa:

  • Katawa-tawa o kahiya-hiya ang apelyido mo;
  • Dahil sa order ng hukom, naging legitimate child ka; at
  • Para maiwasan ang pagkalito.


Hindi kabilang sa mga ito ang dahil sa iniwan ka ng tatay mo. Pero kung hindi nagbigay ng sustento ang tatay mo, maari siyang singilin para dito at maaari siyang managot dahil sa paglabag sa anti-VAWC law o RA 9262 dahil pinaparusahan bilang economic abuse ang hindi pagbibigay ng sustento.


Pinagmulan: @attytonyroman via instagram


Mungkahing Basahin:

Ayaw magbigay ng child support ang daddy ng baby mo

 Ayaw magbigay ng child support ang daddy ng baby mo


Ang tanong: May laban ba ako kahit di ko ma-afford mag-hire ng abogado?


Sagot: Yes, definitely. Meron mga paraan na makakuha ng child support legally kahit hindi mo ma-afford maghire ng pribadong abogado. 

Una, magsulat ka ng demand letter at ipadala ito sa daddy ng baby mo. 


Yung demand letter dapat merong 

  1. Date nung time na sinulat mo yung letter
  2. Name and address nung daddy ng baby mo
  3. Mga pruweba (proof) na siya talaga ang tatay ng bata


Pangalawa, Pwede humingi ng tulong sa barangay and other government agencies kagaya ng Municipal Social Welfare Development  o City Social Welfare Development. Wag kalimutang dalhin ang mga sumusunod:

  • Yung demand letter na pinadala mo,
  • Birth certficate ng anak mo,
  • Proof of income ng tatay,
  • Proof of paternity, at iba pang related documents.


Pag maprove mo na yung daddy ng baby mo o tatay ng anak mo ay sinasadya nya talaga na hindi magbigay ng suporta kahit na may kapasidad naman siya, pwede mo siya kasuhan under RA 9262 or the VAWC Law. This can be under psychological violence or economic abuse if yung hindi magbigay ng suporta has caused negative psychological effects duon sa anak niyo or is used para icontrol ka, puwede kang humingi ng tulong sa public attorney's office if qualified or sa PNP Women's Desk 


Pinagmulan: Atty. Bernice Rodriguez (@hey_attorney)


Mungkahing Basahin:

Pwede bang kunin ng security guard ang driver's license mo?

 Pwede bang kunin ng security guard ang driver's license mo?


Hindi pwedeng kunin ng security guard ang driver's license mo. Ang Philippine National Police na mismo ay nag-issue na ng advisory sa security na wag nilang gawin ito dahil wala silang awtoridad dito.


Pati ang Department of Human Settlements and Urban Development ay nagbawal din sa mga home owners association na humingi ng drivers license.


Trabaho ng mga security guards na i-regulate ang pagpasok sa subdivisions para a safety ng mga residente pero kung kailangan ng identification sapat na ang ibang government issued ID. Kaya kung hingin ang driver's license niyo, may karapatan kayong tumanggi at magbigay ng ibang ID.


Pinagmulan: @cheldiokno


Mungkahing Basahin:

Maitim na Kili-kili

maitim na kili-kili


 Maitim na Kili-kili (Dark Underarms)

Payo ni Dr. Liza Ramoso-Ong


Umiitim ang kili-kili dahil sa iba’t ibang dahilan.

1. Dahil sa pag-ahit o shaving. Titigas ang bukok at iitim ang balat kung laging naiirita o nagagalusan. Mas mainam ang waxing o laser, kaya lang ay may kamahalan ito. Gumamit ng shaving cream o banayad na sabon kapag nag-aahit para maiwasan ang gasgas.

2. Ang mga deodorants at anti-perspirants ay maaaring matatapang na kemikal, kaya gumamit ng mild deodorants lamang.

3. Ang patong patong na dead skin cells ay nag-iipon sa kutis. Pwede ang exfoliation o pagtuklap ng dead skin cells gamit ang 1 kutsarita ng asukal at 1 kutsarita ng olive oil na pinaghalo at panatilihin sa kutis sa loob ng limang minuto.

4. Ang hyperpigmentation ay dahil sa melanin pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Mas maraming melanin, mas maitim.

5. Ang pagkiskis ng balat sa masikip na manggas ng damit ay nakakaitim din ng kili-kili kaya luwagan ang manggas.

6. May tinatawag na Acanthosis Nigrican sa matataba, diabetiko o may abnormal na hormones.

7. Ang bacteria na Corynebacterium minutissimum ay nagdudulot ng pagpapawis at body odor.

8. Ang paninigarilyo ay nakakaitim ng balat.

9. Magkakaroon ng melasma kapag naarawan, o nagbuntis dahil sa pagbabago ng hormones.

10. Ang Addisons disease ay sakit na may kasamang pagod, hindi makakain, low blood pressure at low blood sugar, suka, pagtatae, etc.

11. Kung ang lahi ay mas morena, mas maiitim din ang kili-kili.

12. Dahil sa problema sa hormones tulad ng PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) at hypothyroid.


Ang mga dermatologists mula sa Philippine Dermatological Society ay nagbibigay ng tretinoin, peels, o dermabrasion. Pwede din subukan ang kojic acid na sabon at deodorants.


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin: