Ang Kalabaw
Likas ang mga kalabaw sa Pilipinas at anuwang ang katutubong pangalan. Buhay pa ang pangalang ito sa Aklanon, bagaman naputol at naging nuwang na lamang sa Iloko.
Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw nang 18 hanggang 20 taon at maaaring umabot ang timbang sa 800 kilo. Parehong may sungay ang babae’t lalaking kalabaw. Itim naman ang karaniwang kulay ng balat nito sa buong katawan habang mabuhok ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot.
Tinatawag na albino ang may kulay na pink. Kadalasang nakikitang nagpapalaming ang mga kalabaw sa putikan dahil wala itong tinatawag na sweat glands na ginagamit ng maraming hayop upang maglabas ng init mula sa katawan.
Damo, pulot, at iba pang halamang ligaw ang pagkain ng kalabaw. Mahalaga din ang mga kalabaw dahil sa gatas at karne. Kinakain ang karne ng kalabaw. Tinatawag itong carabeef sa Ingles.
Sa mga pista, nagkakaroon noon ng karera ng mga kalabaw. Sa parada, may paligsahan hinggil sa pinakamakisig at pinakamalusog na kalabaw.
Sa Pulilan, ipinagmamalaki kung pista ang mga kalabaw na tinuturuang iluhod ang unang mga paa.
Kalabaw
Magandang araw! Ngayon hanggang Miyerkoles, kami naman sa Adarna House ang magbabahagi sa inyo ng mga nakakawiling kaalaman tungkol sa ating wika!
Malapad ang katawan, karaniwang itim, may mga sungay na hugis-karit, at madalas iniuugnay sa sipag at tiyaga—ito ang kalabaw. Kinikilala rin natin ito bilang pambansang hayop, pero alam ba ninyo kung saan nanggaling ang tawag natin dito?
Ang Tagalog na “kalabaw” ay hango sa Español na “carabao,” na hango naman sa Bisayang “karabáw.” Ngunit bago pa man dumating ang mga Español, tinatawag na rin itong “anuwáng” ng mga Ilokano, at “nuwáng” at “damolag” naman sa ilang bahagi ng Timog at Gitnang Luzon. Dagdag pa, si Damolag ay anitong nangangalaga sa mga pananim tulad na lamang ng palay laban sa kalamidad. Kaya naman nakakatuwa ring isipin na tapat na katuwang ng ating mga magsasaka ang turing sa kalabaw.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Kalabaw "