Ano ang Dugong?
Ito na lamang ang nabubuhay sa pamilyang Dugongidae. Malaki ang isang dugong, nabubuhay ito nang mahabà (kung hindi nahuhuli), at naglalaan ng panahon sa mga anak.
Lusay ang paboritong pagkain ng dugong. Hinuhukay nito ang buong halaman at pagkatapos ay susunggaban at bubunutin ito sa pamamagitan ng mga labì.
Kakaiba ang ulo at bibig ng isang dugong. May bungo ito na makikitahan ng isang nakausli na pababa sa dakong harapan kayâ’t ang bibig ay nakagawi sa tiyan.
May karugtong sa may labas ng bibig nito na hugis lapad at malakas na labì na pansunggab. Lumalangoy ito sa pamamagitan ng mala-lumba-lumbang buntot samantalang ginagamit nitong parang timon ang palikpik sa harap.
Lumalaki hanggang tatlong metro ang isang dugong at may bigat itong umaabot sa 600 kilo. Umaabot hanggang 70 taon ang buhay nito. Maaari nang manganak sa edad na 13- 17 taon ang isang dugong.
May isang anak lamang bawat panganganak. Naglalaan ang babaeng dugong ng mahabang panahon at lakas sa pag-aalaga ng anak. Nagaganap ang panganganak na ito sa tuwing ikalima hanggang
ikapitong taon. Sa nakalipas na panahon, mabilis na bumaba ang populasyon ng dugong at isa sa mga hayop na nanganganib nang maubos.
Maiuugnay ito sa pagkawala ng mga lusay sa baybaying-dagat, sa pagkamatay ng mga dugong nasasalabid sa mga lambat, at sa tradisyonal na panghuhuli nito.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Dugong? "