Ano ang Bungkaka?
Gawa ito sa isang tubo ng kawayan. Hinahati ang itaas na bahagi hanggang bandáng ibaba.
Sa paghahati, nagiging pahabang letrang U ang itaas na magkabilâng bahagi nitó. Ang resulta ay isang espasyo sa pagitan ng dalawang nabuong hugis.
Sa bandáng ibaba ng tubo ay may maliit na bútas na tinatakpan ng kanang hinlalaki upang mabago ang kalidad ng tunog at tono ng instrumento.
Para patunugin, gamit ang kanang kamay, hinahampas sa matigas na bahagi ng palad ng kaliwang kamay ang itaas na bahagi ng bungkaka.
Sa isang pangkat ng bungkaka, maririnig ang umuulit na melodiya na epekto ng sabay-sabay na pagpapatunog ng instrumento. Ito ay resulta ng magkakaibang timbre, yari, kapal o nipis ng kawayang ginamit, at pagsabay sa kompas ng pagsara at pagbukas ng butas na inukit sa bungkaka.
May iba’t ibang tawag sa bungkaka ang mga etno lingguwistikong grupo sa hilagang Filipinas.
Bungkaka ang tawag dito ng Itneg, avakko para sa Bontok, balimbing para sa Kalinga. Tinatawag din itong bilbil ng mga grupong Itneg, Tinggian at Kankanaey. Pahinghing ito para sa Isneg, pakkung sa Ibaloi, at ubbeng naman sa Kalingga.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Bungkaka? "