Anahaw: Pambansang Dahon ng Pilipinas

Anahaw: Pambansang Dahon ng Pilipinas
 
Ang anahaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged.

 

Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Pilipinas.


Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito.


Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likaás na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.


Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng bubong ng mga bahay kubo. 

Ang malalaking dahon ng Anahaw ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga basket. Katulad ng Pandanus, ang pagiging patag ng mga dahon ay ginagawang mas madaling manipulahin sa nais na hugis. Sa paggawa ng mga basket, ang Anahaw ay pinapatuyo at pinipipi mula sa korona at hinahagot. Ang mga hinagot o hinimay na materyales ay hinahabi upang gawing lalagyan o basket.


Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang.


Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain.Ang puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO)


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: