Ang barit (Leersiahexandra) ay isang klase na pangmatagalang damo.


Ito ay may kulay berdeng dahon na magaspang at hindi kasiya-siyang hawakan dahil sa matalim na gilid nito na maaaring makasugat.


Ang dahon nito ay may sukat na 5 hanggang 13 milimetro. Ang barit ay tumataas ng 40-60 sentimetro. Ang mga tinik nito ay parang kanin ngunit mas maliit pa rito.


Ang barit ay matatag sa tagtuyot pati na din sa tag-ulan. Karaniwan itong matatagpuan sa mga mabasang lugar tulad ng mga sariwang tubig sa kahabaan ng ilog at lawa. Kung minsan ito ay nabubuo at lumulutang na parang banig. Matatagpuan din ito sa mga palayan.


Ang mga bata o murang barit ay ginagamit na sakate o pakain sa mga kabayo at baka. Kapag kulang na ang mga pakain sa mga kabayo at baka, napipilitang ipakain sa mga hayop ang mga magugulang na barit.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: