Tambo
On Pamumuhay
Ano ang tambo?
Ang tambo (Phragmites vulgaris) ay magaspang at tuwid na damo, tumataas sa 1.5-3-5 metro, may tangkay na silindriko at hungkag, isang sentimetro ang luwang, may dahong pahaba sa 50 sentimetrong habĂ at 2.5 sentimetrong lapad, at may bulaklak na uring panicle (nakahalayhay na tila piramide ng mga buhok sa tangkay).
Matatagpuan ito sa mababang pook, lalo na sa mga pinak at maburak na batis.
Tinatawag din itong
- bugang sa Bisaya,
- tanobong sa Pangasinense at Iluko, at
- tagisi sa Ibanag.
Inaalagaan ito ngayon para sa layuning komersiyal. Ang walis-tambo para sa alikabok ng sahig ng bahay ay popular na pasalubong mula sa Hilagang Luzon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tambo "