Mga dapat gawin sa pagsabog ng bulkan


Ang Pilipinas ay matatagpuan sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” na makikita sa hangganan ng Pacific Ocean kung saan nangyayari ang mga pagputok ng bulkan.


Narito ang mga bagay na dapat malaman at paghandaan upang manatiling ligtas bago, habang at pagkatapos ng nasabing sakuna.


Paghahanda sa pagsabog ng bulkan

  • Makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa mga evacuation center at mandatory evacuation plans, lalo na kung ang inyong tinitirahan ay nasa danger zone.
  • Maghanda ng “go-bag” o disaster kit na naglalaman ng mga sumusunod:
  1. Pagkain, tubig at pera,
  2. Mga damit, kumot, at sapin,
  3. Matibay at mahigpit na sapatos at eye goggles,
  4. N-95 face masks at mga face shield,
  5. First Aid Kit at mga gamot,
  6. Mga magagamit na elektroniko gaya ng cellphone,
  7. Flashlight at mga baterya,
  8. Mga mahahalagang dokumento.
  • Magtakda at magplano ng mabilis na daan o ruta para sa ligtas na paglikas.
  • Kung mayroong internet, manatiling nakaantabay sa mga volcanic activity mula sa mga anunsyo ng PHIVOLCS. Kung wala namang internet ay manatiling nakasubaybay sa radyo at TV para sa iba pang impormasyon.
  • Ayusin at patibayin ang mga mahihinang parte o pundasyon ng inyong bahay.
  • Asahan ang pagkawala ng kuryente. I-charge na ang lahat na maaaring i-charge at maghanda ng flashlight, kandila, mga powerbank, at power generator kung mayroon.
  • Mag-imbak ng pagkain na madaling ihanda at ihain gaya ng mga de-lata, cup noodles, at tinapay.
  • Punuin ang mga maaaring punuan ng tubig.
  • Itala ang mga emergency hotlines para sa mga posibleng paghingi ng saklolo.


Habang Sumasabog ang Bulkan

  • Manatili sa loob ng bahay at malayo sa mga bintana at pinto.
  • Isarado ang mga bintana at mga kurtina.
  • Manatiling nakasubaybay sa mga itatakdang alert level at mga paghahanda sa paglikas.
  • Maghanap ng ligtas na lugar o kwarto at manatili sa loob kasama ng pamilya.
  • Isama ang mga alagang hayop.
  • Patayin ang mga air-conditioner at mga electric fan.
  • Ilagay sa malapit o madaling abutin ang mga emergency go-bag at mga cellphone.
  • Kung nasa panganib, agad tumawag sa mga naitalang emergency hotlines.
  • Maghintay at manatiling nakaantabay matapos ang pagputok bago lumabas.
  • Tingnan at suriin kung mayroong mga nasira sa bahagi ng inyong bahay.
  • Magsuot ng N-95 face mask sa lahat ng pagkakataon.
  • Hangga’t maaari ay lumayo sa mga abo upang maiwasan ang pagkakaroon ng irritation sa balat.


Pagkatapos ng Pagsabog ng Bulkan

  • Magsuot ng eye goggles bilang pamprotekta sa inyong mga mata.
  • Iwasan ang mga hindi mahahalagang pag-alis gamit ang sasakyan dahil maaari itong makasama sa inyong kalusugan pati na sa inyong saskyan.
  • Huwag Ikalat ang mga abo sa pamamagitan ng pagdadrive na maaaring maging dahilan ng paghinto sa sasakyan oras na ito ay gamitin.
  • Linisin at alisin ang mga abo sa inyong bubong na maaaring magpabagsak dito. kapag gagawin ito ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat dahil ang abo ay madulas at maaaring maging dahilan ng aksidente.
  • Manatiling magkakalayo at alalahanin ang social distancing sa oras na makarating sa mga evacuation center.
  • Gamutin ang mga tinamong sugat o tumawag sa Philippine Red Cross Hotline: 143, (02)8527-8385 to 85.
  • Tawagan ang opisina ng DSWD ng inyong lokal na pamahalaan para sa mga relief goods.
  • Ipaalam sa mga mahal sa buhay ang inyong kasalukuyang sitwasyon at iparating na kayo ay ligtas.
  • Sumangguni sa mga awtoridad o lokal na pamahalaan para sa pagbabalik ng kuryente sa inyong lugar kung ito ay nawala o naputol.
  • Para sa mga pinsala sa ari-arian, maaari kayong magpasa ng application form sa SSS o PAG-IBIG sa loob ng 90 araw para sa State of Calamity declaration sa inyong lugar at makatanggap ng tulong.


Mungkahing Basahin: