-->
Browsing Category " Negosyo "

Kung naningil ng sobra ang mekaniko

 Kung naningil ng sobra ang mekaniko


Mekanikong nasobrahan ang sipag


Attorney, ano pong pwedeng gawin sa mekaniko ng sasakyan kong naniningil para sa karagdagang trabahong hindi ko naman ipinagawa?


Kung naniningil ang mekaniko para sa karagdagang trabahong hindi mo pinahintulutan, narito ang mga hakbang na dapat gawin sa ilalim ng batas:

1. Humingi ng paliwanag at dokumentasyon, hingin ang breakdown ng singil para sa mga trabahong isinagawa. Siguraduhing malinaw kung alin sa mga ito ang hindi mo ipinagawa.

Humingi ng kopya ng anumang kasunduan, resibo, o work order kung mayroon, kung walang kasulatan, walang pahintulot mula sa iyo para sa karagdagang trabaho. 


2. Ipaalam na hindi mo pinahihintulutan ang karagdagang trabaho. Ayon sa Article 1318 ng Civil Code, kailangang may napagkasunduan sa isang kontrata. Kung hindi mo pinahihintulutan ang karagdagang trabaho, maaaring hindi ka obligadong bayaran ito. 


3. Makipag-usap sa may-ari ng shop, idulog ang isyu sa mas mataas na awtoridad tulad ng may-ari o manager ng repair shop, ipaliwanag na hindi ka sumang-ayon sa karagdagang trabaho at dahil dito hindi ka dapat singilin. 


4. Maghain ng reklamo kung kinakailangan, kung hindi nagkaayos, maghain ng reklamo sa Department of Trade and Industry kung may business registration ang repairshop o maghain ng reklamo sa small claims court kung kinakailangang bawiin ang sobrang singil. 


Tandaan, siguraduhing may kasunduan sa simula para maiwasan ang ganitong sitwasyon. Siguraduhing malinaw ang work order or service agreement bago simulan ang trabaho. Ilagay sa kasulatan na anumang karagdagang trabaho ay kailangang may pahintulot mo bago ito gawin. 


Sa madaling salita, kung hindi mo pinahintulutan ang karagdagang trabaho, hindi ka obligadong bayaran ito. Siguraduhing ipahayag ito sa maayos na paraan at kung kinakailangang idulog ang reklamo sa tamang ahensya tulad ng DTI upang maipagtanggol ang iyong karapatan bilang isang consumer. 


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Awol sa Trabaho

Awol sa Trabaho 


Kailangan ba ng clearance para makuha ang huling sweldo ng empleyadong nag-AWOL?


Atty, tanong lang po kung tama yung ginawa ng agency ko sa akin? AWOL po kasi ako. Kailangan ko pa raw magpa-clearance bago ko makuha ang last sahod ko. Tama po ba yun?


Depende sa employment contract mo sa employer kung anong penalty kung nag AWOL o Absence Without Leave ka.


Pero kung walang nakalagay na penalty clause sa employment contract, ayon sa Article 116 ng Labor Code, bawal hindi ibigay ng employer ang sahod para sa natapos mong trabaho o serbisyo ng walang due process o hindi dumaan sa legal na paraan.


Sinabi rin ng Supreme Court sa Artiaga v. NLRC, ilegal ang hindi ibigay ang sahod sa employee para sa natapos niyang trabaho o serbisyo kahit pa may nagawa siyang paglabag.


Kadalasan, hindi bibigyan ng clearance kung may utang ka sa employer o company lalo na kung nagdulot ng financial liability ang pag-AWOL mo.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:


Nag iba ang may-ari ng pinapasukan mo ng anim na taon?

 May separation pay ba kung nag iba ang may-ari ng pinapasukan mo ng anim na taon?


New Boss, Same Company


Tanong: Atty., binenta ng may-ari yung bar na pinapasukan ko.

May makukuha po ba kami na separation pay? Almost 6 years na po kaming regular employee and still working for the new management.


Sagot: Hindi, dahil hindi naman nagsara ang bar na pinapasukan mo. Nag iba lang ang may-ari nito, kaya hindi masasabing natanggal ka sa trabaho at dahil dito,

walang separation pay.


Sa ilalim ng Labor Code, may separation pay kapag tinanggal ka sa trabaho dahil:

1. Nagtitipid ang employer o nagbabawas ng hindi kinakailangang trabaho para hindi malugi o magsara ang business;

2. Nagsara ang business hindi dahil nalugi ito; o

3. Meron kang sakit na hindi magagamot sa loob ng anim na buwan at makakasama sa iyo o sa kapwa employee na patuloy kang magtrabaho.


Walang ganitong nangyari sa tanong mo kaya malinaw na wala kang separation pay.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin:

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas

 

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas


Alam mo ba na ang Pilipinas ay nag-aangkat ng Instant Coffee?


Mula Enero hanggang Oktubre 2023, ang kabuuang halaga ng importasyon ng instant coffee ay nasa 422.51 milyong dolyar o may katumbas na dami na 138.90 metrikong tonelada.


Ang Bansang Indonesia ang pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas.


Ang importasyon dito ng instant coffee mula Enero hanggang Oktubre 2023 ay may kabuuang halaga na 332.48 milyong dolyar o may dami na 121.51 metrikong tonelada.


Pinagmulan: @PSAgovph


Mungkahing Basahin:

Regional Comprehensive Economic Partnership

 

Regional Comprehensive Economic Partnership
Regional Comprehensive Economic Partnership | @dof_ph


Bakit mahalaga ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa Pagpapaunlad ng ating Agrikultura?


ALAMIN 


Ang RCEP ay ang pinakamalaking kasunduang pangkalakalan sa mundo. Kasapi sa RCEP ang sampung (10) miyembro ng @asean at ang mga bansang katambal ng mga ito sa kalakalan tulad ng China, Japan, SouthKorea, Australia, at New Zealand.


Malaki ang pakinabang ng RCEP para sa Pilipinas dahil ito ay isang malaking merkado para sa ating mga magsasaka, mangingisda, at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).


Basahin ang infographic para sa mga detalye at karagdagang impormasyon.


Source:

https://www.pids.gov.ph/details/resource/infographics-policy-issue/alamin-ang-rcep-bakit-mahalaga-ang-regional-comprehensive-economic-partnership-rcep-sa-pagpapaunl


Mungkahing Basahin:

Pricelist Kadiwa Sites

Pricelist Kadiwa Sites

 Pricelist Kadiwa Sites


TINGNAN: Murang karneng baboy, manok, baka, at processed meats mabibili sa mga Kadiwa sites! 


Narito ang pricelist ng mga nasabing produkto sa isang Kadiwa site sa Quezon City:


Laman ng baboy - Php 200

Manok - Php 160

Baka - Php195

Pork Hamonado, Chicken Longganisa, Pork Tocino, Pork Tapa - Php 60 per 300 grams

Beef Tapa - Php 70 per 300 grams

BBQ on stick - Php 160 per half kilo

BBQ Liempo Php 175 per half kilo

Porkchop BBQ - Php 162 50 per half kilo


Pinagmulan: @opsgovph via Radyo Pilipinas


Mungkahing Basahin:

Ang Parian

 

ang parian

Ang Parian


Ang Parian ay ang pangunahing merkado ng Maynila. Pwede ito ihalintulad sa ating mga modernong mga mall. Dito nagnegosyo ang mga Tsinong mangangalakal, at maraming mabibili dito katulad ng porselana, seda, at iba pang mga mamahaling mga bagay. 


Makakakita ka rin dito ng mga sastre, mga talyer, mga pintor, mga panadero, mga barbero, mga iskultor, mga karpintero, mga manlilimbag, mga panday ng plata, bakal, at salamin, mga parmasya, karinderya, at mga taga gawa ng mga sapatos, alak, kandila, porselana, at mga alahas.


Ang Parian ay laging abala at buhay. Walang mga mall o sinehan noong panahon ng mga Kastila, kaya't talagang nakakasabik ang pag bisita sa Parian!


Mungkahing Basahin:

Presyo ng Asukal

Presyo ng Asukal
  • Puti: Php 85 to Php 90 per kilo
  • Brown Sugar: Php 65 to Php 70 per kilo


Ang produksyon ng asukal para sa kasalukuyang taon ng pananim ay umabot lamang sa 1.8 milyong metriko tonelada. Ang hindi pangkaraniwang pagbaba sa produksyon ng asukal ay tahasang naobserbahan sa Negros mula Marso 2022 hanggang Mayo 2022 datos ng produksyon. Ang pagbaba sa mga buwang ito ay dahil sa natitirang epekto sa mga dahon ng tubuhan (wind-stressed leaves) na dulot ng malakas na hangin sa panahon ng pananalasa ng Super typhoon odette (Super Typhoon Rai).


Pinagmulan: TV Patrol, July 10, 2022


Mungkahing Basahin:

Unang Brodkast sa Telebisyon sa Pilipinas

Inilunsad ng Alto Broadcasting System (ABS) sa DZAQ Channel 3 ang Unang Brodkast sa Telebisyon sa Pilipinas, 23 Oktubre 1953.

Itinatag ni Eugenio J. Lopez ang Chronicle Broadcasting Network, 1955. Nabili ang ABS, 1957, at ang dalawang network ay nakilala bilang ABS-CBN, 1963. Naging ABS-CBN Corporation, 1967.


Ipinatayo itong sentro ng pag-bobrodkast ng network ng radyo’t telebisyon sa Bohol Avenue, 24 Pebrero 1967. Pinasinayaan 18, Disyembre 1968.

 

This July, the Philippine Heritage Map shall feature several milestones in Philippine History. On October 23, 1953, Alto Broadcasting Television (ABS) launched DZAQ-TV, marking the first-ever official telecast in the country. This first-ever broadcast was aired at the residence of Judge Antonio Quirino at Sitio Alto. DZAQ-TV started on a four-hour-a-day schedule, from six to ten in the evening, with programs ranging from borrowed films from embassies, imported cowboy movies, the actual coverage of a variety of events, and even stage plays – the first of which is the Cyrano de Bergerac, a play produced by Father James Reuter.


Mungkaing Basahin:

Valenzuela City Town Hall

Valenzuela City Town Hall – 2F Valenzuela Town Center, MacArthur Highway, Barangay Karuhatan.


Matapos ang 2 taon, magbubukas nang muli ang Valenzuela City Town Hall para sa iba’t ibang mga okasyon!


Para sa reserbasyon at mga katanungan, tumawag lamang sa 8352-1000 local 8292/1214/1216.


Ito ay bukas para sa mga:

  • Kaarawan,
  • Binyag,
  • Kasal,
  • Debut,
  • Conference, at
  • iba pang mga okasyon.


Buong lugar – Php 1,000 kada oras

Kalahati ng lugar – Php 500 kada oras


Mungkahing Basahin:

Cab Cafe

Cab Cafe


Magandang araw sa inyong lahat! Kami ang #cabcafe, makakasama niyo ngayon hanggang Biyernes para sa Dama Ko, Lahi Ko Buwan ng Wika IG Takeover.


Ang Cab Cafe ay isang kapihan sa Kapitolyo na itinayo noong 2010. Parte kami ng Cafe Bobs Group of Restaurants mula sa Bacolod, at ipinagmamalaki namin ang mga produktong galing sa Negros Occidental.


Nasasabik kaming ipamahagi sa inyo ang ilan sa mga pagkain at panghimagas mula sa Bacolod, pati na rin ang ilang salita mula sa aming dayalekto na Ilonggo.


Makaon na ta! (Let’s eat!)


Mungkahing Basahin:

Presyo ng Karne

Average na Presyo ng Karne sa Palengke (as of July 10, 2022)
  • Baboy Laman: Php 390/kilo
  • Baboy Liempo: Php 400/kilo
  • Baboy Pata: Php 320/kilo
  • Baboy Kasim: Php 350/kilo 
  • Buto Buto: Php 320/kilo
  • Manok: Php 230/kilo 
  • Manok Paa: Php 130/kilo
  • Baka Laman: Php 460/kilo 
  • Baka Ribs: Php Php 380/kilo 
  • Baka Balat: Php 220/kilo 


Pinagmulan ng Imahe: TV Patrol, June 11, 2022


Mungkahing Basahin:

Presyo ng Gulay

Presyo ng Gulay sa Pilipinas (average price as of July 10, 2022)
  • Ampalaya: Php 100/kilo
  • Bawang: Php 110/kilo
  • Carrots: Php 90/kilo
  • Isang pack ng gulay (pang-chopsey/pinakbet): Php 50/half kilo
  • Kamatis: Php 50/kilo
  • Kangkong:  Php 10/tali
  • Okra: Php 60/kilo
  • Pechay Tagalog: Php 90/kilo
  • Repolyo: Php 60/kilo
  • Sibuyas: Php 100/kilo
  • Sitaw: Php 60/kilo
  • Talong: Php 90/kilo


Pinagmulan ng Imahe: TV Patrol, June 8, 2022

 

Mungkahing Basahin: