Mga hakbang na dapat gawin kapag ang farm ay pinaghihinalaan na may ASF
On Negosyo
Mga hakbang na dapat gawin kapag ang farm ay pinaghihinalaan ma may African Swine Fever ASF
𝗣𝗔𝗧𝗡𝗨𝗕𝗔𝗬: Alamin ang mga hakbang na dapat gawin kapag ang babuyan ay pinaghihinalaang apektado ng ASF o African Swine Fever.
Ipasuri kaagad ang mga alagang baboy
1. Kapag napansin na may kahina-hinalang sakit ang mga alagang baboy, agad itong ipaalam sa Municipal/City/Provincial Veterinary office o Agriculture office sa inyong lugar.
2. Makipag-ugnayan sa kinauukulan upang makuhanan ng samples ang mga hayop na may sakit at mapasuri ito sa BAI Animal Disease Diagnosis Reference Laboratory (BAI ADDRL) o sa pinakamalapit na Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL).
I-Quarantine ang Farm
1. Habang naghihintay ng resulta, makipagtulungan sa mga kinauukulan para maiwasan ang pag labas at pasok ng tao at hayop mula sa apektadong farm upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
2. Ipinagbabawal ang pagbenta ng karne mula sa may sakit na baboy at paggamit nito sa paggawa ng processed meat tulad ng tocino, hamon, hotdog, longganisa at iba pa.
Itigil ang paglaganap ng sakit
1. Kapa nakumpirma na African Swine Fever (ASF) ang sakit, makipagtulungan sa otoridad sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng sakit, tulad ng:
a. tama at makabagong paraan ng pagpatay ng baboy na may sakit;
b. linisin, at i-disinfect ang mga kulungan, kagamitan, at ang kabuuan ng paligid nito;
c. ibaon sa malalim na hukay ang mga namatay at pinatay na baboy at buhusan ng disinfectant bago takpan;
d. huwag itapon ang mga patay na baboy sa mga ilog at sapa upang hindi kumalat ang sakit.
Para sa karagdagang kaalaman, makipag-ugnayan sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Pinagmulan: PIA MIMAROPA | @PIA_mimaropa
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga hakbang na dapat gawin kapag ang farm ay pinaghihinalaan na may ASF "