Ano ang kilusang propaganda?
On Pamumuhay
Ano ang kilusang propaganda?
Ang Kilusang Propaganda ay ang panahon bago ang rebolusyon na kung saan ang mga edukadong mga Filipino, na tinatawag na mga illustrado, ay nanawagan para sa mga reporma sa pamamahalang kolonyal.
Ano ang layunin ng kilusang propaganda?
Kasama sa mga nangungunang mga miyembro sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at si Marcelo H. del Pilar. Isinulong ng mga propagandista
- ang sekularisasyon ng kaparian, ang representasyon ng Pilipinas sa Cortes Generales sa Espanya,
- ang pag bigay ng citizenship sa mga Filipino,
- ang pag kilala sa Pilipinas bilang probinsya ng Espanya,
- ang pangako ng mga pangunahing mga karapatan, at
- ang pantay na oportunidad para makapasok ang mga Filipino sa serbisyong sibil,
bukod sa iba pa.
Subalit, ang mga panawagang mga ito ay hindi pinansin ng pamahalaang kolonyal ng mga Kastila, na syang nag udyok sa isang rebolusyon noong 1896.
Mungkahing Basahin:
- Ano ang demokrasya?
- Ang liham ni Jose Rizal sa mga kababaihan ng Malolos
- Ano ang bayanihan?
- Ano ang lamay o lamayan?
- Liwanag at Dilim
No Comment to " Ano ang kilusang propaganda? "