Ang liham ni Jose Rizal sa mga kababaihan ng Malolos
Nang mabalitaan ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kaibigan at kapwa-propagandista at manunulat na si Marcelo H. Del Pilar ang katapangang ginawa ng mga kababaihan ng bayan ng Malolos, Bulacan para maipaabot kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler ang kanilang petisyon ng pagtatatag ng isang paaralan sa wikang Espanyol, sumulat siya sa mga kababaihang iyon ng Malolos sa araw na ito February 22 noong 1889 para ipaabot ang kanyang papuri at paghanga sa mga bayaning kababaihan ng Malolos.
Nagpadala siya ng sulat sa mga kababaihan ng Malolos, ayon na rin sa hiling ng kaibigang si Del Pilar. Bukod sa kanyang pagkilala at papuri sa mga kababaihan ng Malolos, naglalaman ang kanyang sulat ng mga sumusunod: ang pagtakwil sa mga prayle bilang ispiritwal na otoridad ng simbahang Kristyano, dahil hindi naman lahat ng mga prayle ay hindi tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin at hindi tunay na kinatawan ni Kristo at ng kanyang simbahan, bagkus ay gumagawa ng mga tiwali at imoral na gawain; ang kalidad ng mga Pilipinang ina na dapat taglayin gaya ng pagpapakababang-loob, mapagkalinga at mapagmahal; ang kanyang paniniwala na dapat maging pantay-pantay ang edukasyon sa lahat anupaman ang kanyang kasarian; ang tungkuling dapat gampanan ng babaeng Pilipina sa kanyang asawa at mga anak kagaya ng pagiging matatag at pagsuporta sa kanilang paglilingkod sa bansa; ang kanyang babala laban sa bulag na panatisismo bilang pagpapakita ng pananalig sa Maykapal at ang epekto nito sa kanilang mga anak; ang kanyang mga payo sa mga dalagang Pilipina ukol sa kanilang pagpili ng magiging nobyo o mapapangasawa na higit nilang pansinin ang pagkakaroon ng mabuting karakter at matuwid na ideya kaysa sa panlabas na pangangatawan; at higit sa lahat, ang pagiging handa ng mga maybahay na Pilipina sa pagsasakripisyo ng buhay ng kanilang anak para sa bayan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang liham ni Jose Rizal sa mga kababaihan ng Malolos "