Pambansang Laro ng Pilipinas

Pambansang laro ng Pilipinas

Pambansang Laro at Pananandata

Ang Pambansang Laro ng Pilipinas ay Arnis.

Ito ang ating pambansang laro mula pa nuong 11 Disyembre 2009 - hanggang sa kasalukuyan.

Arnis ang ating pambansang laro sa bisa ng Batas Republika Blg. 9850 (2009).


Ano ang Arnis?


Ang arnis ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa pandepensa at pang-opensa.


Ang Arnis ay siyang pambansang laro at pananandata ng Filipinas.


Bagaman kilala itong gamit bilang isang sandata lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay at kakayahan ng manlalaro.


Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol.


Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol.


Sa kabila nito, patuloy ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nito. May mga pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga Kastila ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang Moro-Moro.


Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway.


May tatlong pamamaraan sa paglalaro ng arnis:

  1. Ang Espada at Punyal,
  2. Ang Solo Baston (isang patpat), at
  3. Ang Sinawali (maghabi).


Sa huli, gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang haba at iminumuwestra ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban.


Sakasalukuyan,itinuturo ito sa ilang paaralan bilang bahagi ng Edukasyong Pampalakasan.


Kabilang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina

  1. Venancio “Anciong” Bacon,
  2. Dan Inosanto,
  3. Cacoy Canete,
  4. Mike Inay,
  5. Remy Presas, at
  6. Ernesto Presas.


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: