Sungka
Mayroon ding mas malaking butas-imbakan sa magkabilang dulo ang sungka. Karaniwang ginagamit ang sigay bilang ang bagay na inihuhulog sa mga “bahay.”
Nagsisimula ang laro sa paglalagay ng pitong sigay sa bawat bahay ng magkaharap na hilera. Sa unang ikot, pumipili ng isang bahay ang bawat manlalaro. Kukunin nila ang mga sigay at ihuhulog ito sa bawat bahay na madaraanan ng kanilang pag-ikot.
Ang pag-ikot sa paghuhulog ay pakanan. Sa simula ay magkasabay na tumitira ang dalawang manlalaro. Ihuhulog nang isa-isa sa bawat bahay kasama ang butas-imbakan. Ang nilalampasan lamang sa paghuhulog ng sigay ay ang butas-imbakan ng kalaban. Sa tuwing may laman pa ang bahay na pinaghulugan ng pinakahuling sigay na hawak ng manlalaro, kukunin niya ang lahat ng sigay sa bahay na ito at ipagpapatuloy ang paghuhulog sa bawat bahay na dinaraanan.
“Mamamatay” lamang ang isang manlalaro kung may nag-iisang sigay na mahuhulog sa blangko o walang lamang bahay. Hábang ang isang natitira ay magpapatuloy hangga’t hindi pa “namamatay.” Uulitin muli ang proseso.
Sa pagkakataon namang napupunta ang huling sigay sa sariling hilera, mamamatay ang manlalaro subalit maaari niyang kunin ang mga sigay sa katapat na bahay ng kalaban at ilalagay ito sa butas-imbakan.
Subalit kung sa blangkong bahay sa hilera ng kalaban nahulog ang huling sigay, mamamatay ang manlalaro nang hindi makakukuha ng sigay.
Ang manlalarong makaiipon ng mas maraming sigay sa sariling butas-imbakan at makapagpablangko sa isang bahay o “makasusunog” o makapapatay sa bahay ng kalaban ay ang idedeklarang panalo sa laro.
Sa salitang Arabe, ang sungka ay tinatawag na larong “mancala” na ang kahulugan ay bilangin at pulutin. Isa rin itong variant ng congklak o congkak ng mga taga-Indonesia, Brunei, Singapore, at Malaysia.
Sa Filipinas, bata man o matanda ay nilalaro ang sungka. Ipinagpapalagay na nakapagpapatalas ng isip o memorya, nakatutulong sa pagtuturo ng konsentrasyon, at nakapagpapahusay sa matematika ng mga sinaunang Filipino ang larong sungka.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr at ang larawan naman ay mula sa @psa_gov (Philippine Sports Commission)
Ang sungka ay larong “Mancala” kung saan ang pakay ng dalawang magkalabang manlalaro ay magkaroon ng mas maraming “token” sa kaniyang base o ulo sa katapusan ng laro.
Ang sungka ay isang tradisyunal na laro na nagsimula pa noong ika-17 na siglo. Iba’t iba ang panuntunan nito sa bawat lugar ngunit marami namang pagkakapareho.
Materyales
Sungkaan – isang tabla na may 7 pares ng maliliit na hukay na tawag ay “bahay” at mas malaking hukay na tawag naman ay “ulo”.
98 piraso ng “token” (shell, maliit na bato — ngunit mas popular na gamit ang shell) na pantay na nakapamahagi sa “bahay” na may 14 na token. Ang “ulo ay dapat walang laman.
Manlalaro: 2-4
Saan lalaruin?: Maaaring laruin sa loob o labas ng bahay.
Ang huling larong pamana na ating lalaruin ngayong Buwan ng Pamana ay walang iba kundi ang ating paboritong Sungka!
Ibahagi nyo naman samin ang inyong mga ala-ala sa paglalaro nito! ——– Paraan kung paano laruin:
1. Ilagay ang sungkaan nang pahalang o horizontal sa pagitan ng mga manlalaro. Sa kanilang puwesto ay makikita ang dulong parte ng sungkaan na ulo.2. Kukuha ang unang maglalaro ng mga token sa isa nitong bahay at lalagyan isa-isa ang kaniyang mga bahay kasama ang ulo.
3. Malalaman ang susunod na proseso ng laro depende kung saan mapupunta ang huling token:
a. Kung mapupunta sa ulo ng naglalaro ay kukuha ito ng mga panibagong token sa bahay nito at ipagpapatuloy ang paglalaro.
b. Kapag napunta sa butas na walang laman ay kukunin ang mga token na nasa tapat nito at ilalagay lahat sa ulo ng naglalaro pero matatapos na ang pagtira nito.
c. Kapag napunta naman sa butas na walang laman at ang katapat nito ay wala ring laman, idedeklarang patay ang laro at titira na ang kalaro. Ganoon din ang proseso sa kalaban o kalaro.
d. Ipagpapatuloy ang laro hanggang maubos ang mga token.
e. Ang manlalaro na mayroong pinakamaraming token sa ulo nito ang panalo sa laro.
Pinagmulan/Sources:
https://www.nilaeslit.com/the-history-of-the-philippine-game-sungka/#.XqrE6pMzYWp
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sungka "