Ang Doctrína Christiána en lengua española y tagala (Dok·trí·na Kris·ti·yá·na) ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipinas.


Inilathala ito noong 1593 sa imprenta ng mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang layunin na maging kasangkapan sa pagtuturo ng mga pangunahing doktrinang Kristiyano.


Nilalaman nito ang mga dasal na

  • Ang Ama Namin,
  • Ang Aba Ginoong Maria,
  • Ang Sumampalataya,”at 
  • Ang Aba Po. 

ang mga aral na

  • Ang Sampung Utos,
  • Ang Utos ng Santa Iglesya,
  • Ang Pitong Sakramento, at
  • Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang, at 
  • Ang “Tanungan” para sa pangungumpisal. 


Nakasulat ang mga ito sa wikang Espanyol at may salin sa Tagalog sa alpabetong Romano ngunit may bersiyon din ang Tagalog sa katutubong baybayin.


Nagkakaisa ang mga historyador na kay Fray Juan de Plasencia, isang Pransiskano, ang salin sa Tagalog at inaprobahan ng lupong binuo ni Obispo Salazar noong 1582.


Ipinalalagay ding halos kasabay ng “Doktrina Kristiyana” sa mga wikang Espanyol at Tagalog ang Doctrina Christiana en letra y lengua China. Paglaon, may ganito ring libro na lumabas at may salin sa ibang mga wika ng Filipinas.


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: