regional agricultural production performance

Regional Agricultural Production Performance ng Pilipinas 2019


Ano ang Regional Agricultural Production Performance?


Ito ay nagpapakita ng taunang kalagayan ng agrikultura sa mga rehiyon ng bansa. Ginagamit ito sa estimasyon ng Gross Value Added (GVA) sa agrikultura ng rehiyon, 


Ang agrikultura ay binubuo ng pananim (crops), Paghahayupan (livestock), Pagmamanukan (poultry), at pangisdaan (fisheries)


Noong 2019, ang rehiyon ng Cagayan Valley ang nagkamit ng pinakamalaking paglago sa produksyon ng agrikultura na may 6.6%. Natamo rin ng Cagayan Valley ang pinakamataas na antas ng paglago sa produksyon ng pananim na may 8.8%. Habang ang SOCCSKSARGEN na may 4.2% ang may pinakamataas na pag-angat sa produksyon ng paghahayupan. Para sa produksyon ng pagmamanukan, nakamit ng Bicol Region ang pinakamalaking  paglago na may 14.0%. Samantala, ang pinakamataas  na bahagdan  sa produksyon ng pangisdaan  ay naitala naman sa Eastern Visayas na may 13.3%.


Sa 16 na rehiyon, Central Luzon ang may pinakamalaking  kontribusyon  sa produksyon ng agrikultura na may 14.8%. Sa pananim, nakamit ng Northern Mindanao na may 11.2% and pinakamalaking  bahagi ng produksyon. Central Luzon ang may pinakamalaking  bahagi sa produksyon ng paghahayupan (17.6%), pagmamanukan (29.6%), at pangisdaan (14.7%).


Luzon ang may pinakamalaking bahagi sa produksyon ng agrikultura sa bansa na may 47.7%. Pinakamaliit ang kontribusyon ng Visayas na may 17.2% ambag sa kabuuang produksyon ng agrikultura. Ang Mindanao ay nakapagbahagi ng 35.1% sa buong produksyon ng agrikultura.


Pinagmulan: Philippine Statistics Authority @PSAgovPH


Mungkahing Basahin: