Guwano
Mainam na gamitin ang guwano bilang pataba dahil na rin sa mayaman ito sa mga sustansiyang tulad ng posporo at nitroheno. Kompara naman sa iba pang organikong pataba, mas pinipili ang guwano dahil sa wala itong amoy. Bukod sa pagiging pataba, ginagamit din ang guwano sa pagbubuo ng lupang tatanman, fungicide kapag inilagay sa mga dahon ng halaman at nematicide o pampatay sa mga pesteng maliliit na uod. Bukod sa gamit sa agrikultura at paghahalaman, ang nakukuhang mga nitrate mula sa guwano ay mahalaga sa paggawa ng pulbura.
Ang salitang guwano ay ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas, ngunit mula ito sa salitang Quechua (wika ng isang malaking lahi sa Peru at Timog Amerika) na wanu, na tumutukoy sa dumi ng ibon.
Mainam namang mapagkukunan ng guwano ang mga lugar na palagiang tuyo dahil nalulusaw ang guwano kapag naulanan. Nakakaapekto naman sa ibang organismo sa yungib ang pangongolekta ng guwano mula sa mga paniki dahil dito kumukuha ng sustansiya ang mga ito upang mabuhay. Ang proteksiyon ng kaligiran ang pangunahing dahilan sa pagbabawal o limitadong pagkuha ng guwano sa ilang inaalagaang yungib sa Filipinas.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guwano "