Bayakan
Makikita ito sa mga isla ng Batan, Dalupiri, at Fuga sa Filipinas at sa karatig bansang Taiwan at Hapon.
Naninirahan ito sa mga punongkahoy ng kagubatang subtropikal at tropikal o kaya sa mga pinak na tropikal. Karaniwang makikitang magkakasama ang mga ito.
Tumatagal ang buhay nito nang mga 24 taon.
Pangunahing pagkain ay mga fig, bunga, bulaklak, dahon, at ilang insekto. Mahina itong magparami. Ang babaeng bayakan ay makapagbubuntis lamang kapag may isa o dalawang taong gulang na. Nagbubuntis ito nang apat hanggang anim na buwan, at karaniwang nagaganap ang pagpaparami mula Nobyembre hanggang Enero.
Kinikilalang isa sa mga mahahalagang pollinator ng mga halaman sa kagubatan, inilagay ito ng IUCN Red List of Threatened Species sa kategoryang Near Threatened dahil sa patuloy na pagkasira ng tirahang kagubatan at paghuli upang gawing pagkain.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bayakan "