Ano ang Banoy?
Kabilang ito sa pamilyang Accipitridae na dito lamang matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas.
Kulay kayumanggi ang plumahe o balahibo nito, karaniwang may sukat na 86–102 sentimetro (2.82–3.3 piye) ang haba, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18 libra).
Tinatawag din itong agila (mula sa Espanyol), manaul sa matandang Bisaya, mamboogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule sa Subanon, at banog dahil napagkakamalang lawin.
Ang banoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pagkawala ng tirahan bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito sa apat na malalaking isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao.
Pinakamarami ngayon ang naninirahan sa Mindanao, mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan ang mga ito sa Northern Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa Mount Apo at Mount Kitanglad National Park sa Mindanao.
Noong una,tinawag na Philippine Monkey-Eating Eagle ang banoy dahil pinaniniwalaang tanging unggoy lamang ang pagkain, subalit napatunayang hindi ito lubos na tama.
Ang pangunahing pagkain nito ay nag-iiba depende sa matatagpuan sa kinaroroonan. Ang buong siklo ng pagpapalahi ay tumatagal ng 2 taon.
Ang kakayahang seksuwal sa reproduksiyon ay naaabot ng babaeng banoy sa gulang na 5 taon, samantalang ang lalaki ay 7 taon.
Katulad ng ibang agila, ang banoy ay monogamous, kapag ang dalawang banoy ay nagkapareha na,
mananatiling magkapareha ang mga ito habang buhay. Naghahanap lámang ng ibang kapareha ang
isa kapag namatay ang kapareha.
Matagumpay nang nakapagpalahi ng banoy habang nakakulong at makikita ang mga ito sa parke ng Malagos sa Davao.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Banoy? "