Ilog Davao
Matatagpuan ito sa lalawigan ng Bukidnon at rehiyong Davao. May haba itong 160 km. Nagsisimula ito sa matataas na lupain ng Bukidnon (1,875 m ang pinakamataas nitóng elebasyon) at dumadaloy patimog bago bumuhos sa Golpong Davao sa Lungsod Davao.
Isa sa mga sangay nito ang Ilog Salug sa San Fernando, Bukidnon. Kilala ang hulíng bahagi ng ilog, bago ito bumuhos sa dagat, bilang Ilog Bankerohan.
Bihirang bisitahin ng bagyo ang Ilog Davao, at pantay ang pagbuhos ng ulan sa buong taon. Lagpas kalahati sa dinadaluyang lupain ng ilog ay kagubatan, at ang iba ay kalungsuran o pang-agrikultura. Ilang bahagi ng ilog ay ginagamit ng mga turista at abenturero bilang dausan ng wild water rafting.
Mahalaga ang Ilog Davao at Bankeruhan sa kasaysayan ng nangungunang lungsod ng Mindanao. Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, isa na itong daanan ng mga mangangalakal mula sa iba’t ibang tribu.
Sa kasalukuyan, nalulugmok sa polusyon ang Bankeruhan, ngunit may mga hakbang na upang ibalik ito sa dating kadalisayan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ilog Davao "