Sino si Clemencia Castelo Lopez ?


Clemencia Castelo Lopez (1872 – 1963)


Isinilang sa Balayan, Batangas, 23 Nobyembre 1872. Kasama ang kapatid na si Sixto, Nagtungo sa Estados Unidos bilang panauhin ng American Anti-Imperialist League, 1902 -1903. Nanawagan kay Pangulong Theodore Roosevelt para sa pagpapalaya ng kanyang mga kapatid at pagsalungat sa hindi makatarungang pagdakip sa mga ito, Marso 1902. Nagbigay ng testimonya sa Senado ng Estados Unidos upang tutulan ang pagsakop sa Pilipinas, 15 Marso 1902. Nagtalumpati sa pulong ng New England Women Suffrage Association, 29 Mayo 1902. Bumalik sa Pilipinas, 1904. Isa sa mga nanguna sa pagtatag ng Associacion Feminista Filipina, 30 Hunyo 1905. Tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas. Yumao, 4 Hunyo 1963.


Mungkahing Basahin: