Diariong Tagalog
Bilingguwal ito dahil naglalathala ng mga artikulo sa wikang Tagalog at sa wikang Espanyol.
Lumabas ito noong 1882 ngunit may nagsasabing unang lumabas noong Marso 1882 at may ulat namang Agosto 1882 ang unang isyu. Tatlong buwan lamang ang naging buhay ng diyaryong ito.
Sa isyung Agosto 1882 magkasabay na nalathala ang sanaysay na “Amor Patrio” ni Rizal at ang salin nito sa Tagalog ni M.H. del Pilar.
Itinatag ang Diariong Tagalog upang maging boses sa paghingi ng reporma at upang ipabatid sa nakararaming mamamayan ang mga nangyayari sa bansa. Ang isang repormang hiningi ng pahayagan ay ang pagpapatupad ng rehistrasyong sibil dahil nang mga panahong iyon, ang lahat ng pagpapatala ay sa simbahan lamang. Hindi nagtagal ang pahayagan dahil ang mga tagasuporta at mambabasa ay agad pinaghihinalaang kontra sa pamahalaang Espanyol.
No Comment to " Diariong Tagalog "