Ano ang ibig sabihin ng GDP?
Ano ang ibig sabihin ng GDP?
Ang Gross Domestic Product o GDP ay ang kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na nagawa sa isang bansa sa isang panahon.
Ang gross domestic product o GDP ay nagsisilbing panukat ng kabuuang produksyon ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa. Sa madaling salita, sinasalamin ng GDP ang pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya sa isang partikular na panahon.
Ang GDP ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng tatlong pamamaraan.
1. Produksyon (Production)
2. Paggasta (Expenditure)
3. Kita (Income)
Produksyon – Pwedeng kwentahin ang GDP sa pamamagitan ng pagbawas ng mga produktong kailangan pang iproseso mula kabuuang halaga ng produksyon.
Paggasta – Sinusukat ang GDP ayon sa halaga ng paggasta sa mga tapos na produkto at serbisyo.
Kita – Ang GDP ay mula sa kabuuan ng kabayaran sa mga salik ng produksyon kabilang ang sahod, tubo, renta, at kita. Kasama na dito ang buwis na binabawas ng subsidiya sa produksyon.
Ang bumubuo sa GDP na Paggasta ay ang mga sumusunod:
1. Final Consumption Expenditure
2. Gross Capital Formation
3. Net Exports
Final Consumption Expenditures – Ito ay tumutukoy sa kabuuang paggasta sa lahat ng pangsarili at pangkalahatang konsumo ng produkto at serbisyo ng isang sabahayan, gobyerno, at mga non-profit institutions serving household and government. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Household Final Consumption Expenditure
- Government Final Consumption Expenditure
Mga uri ng paggasta ng sambahayan ayon sa layon
- Food and non-alcoholic beverages
- Housing, water, electricity, gas, and other fuels
- Education
- Transport
- Restaurant and hotel
- Furnishings, household equipment, and routine household maintenance
- Health
- Communication
- Alcoholic beverages and tobacco
- Recreation and culture
- Clothing and footwear
- Miscellaneous goods and services
Mga uri ng paggasta ng gobyerno ayon sa tungkulin
1. Pangkalahatan na serbisyo
a. General public services
b. Defense
c. Public order and safety
d. Economic affairs
e. Environmental protection
f. Housing and community amenities
2. Pang-Indibidwal na Serbisyo
a. Health
b. Recreation, culture and religion
c. Education
d. Social protection
Gross Capital Formation – Ang gross capital formation ay sumusukat sa kabuuang paggasta ng isang ekonomiya sa larangan ng pamumuhunan. Ito ay nasusukat sa kabuuang halaga ng fixed capital formation, changes in inventories and valuables.
Ang construction ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng gastos sa lahat ng bagong kunstruksyon, karagdagang kunstruksyon, pagbabago at malakihang pagkumpuni. Kabilang dito ang own account na konstruksyon ayon sa industriya at halaga ng pagkakabit ng importanteng makinarya o kagamitan sa mga gusali.
Ang durable eqquipment ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng gastos sa mga bagong makinarya at kagamitan na ginagamit para sa produksyon. Hindi kabilang dito ang consumer durables, piyesa ng makinarya at kasangkapan, at kagamitan na mababa ang halaga.
Ang breeding stocks and orchard development ay tumutukoy sa kabuuang halaga na ginastos sa mga nilinang na biyolohikal na yaman na kinabibilangan ng mga kahayupang yaman, punong kahoy, ani at tanim na yaman na lumilikha ng paulit-ulit na produkto kung saan ang natural na pagpapalaki at pagpapaunlad ng mga ito ay naka-base sa derektang control, responsibilidad at pamamahala ng mga institusyon.
Ang intelellectual property products ay tumutukoy sa kabuuang halaga na ginastos sa mga pag-aari na naging resulta ng pagsasaliksik, pagpapaunlad, pagsisiyasat na nagbubunga ng kaalaman na maaaring ibenta ng tagalikha o gamitin sa kanilang pansariling benepisyo sa produksyon.
Exports and Imports – Ang Exports of goods and services (EOG/EOS) ay ang pagluluwas o pagpapadala ng mga kalakal at serbisyo patungo sa ibang bansa. Samantala ang Imports of goods and services (IOG/IOS) naman ay ang pag-aangkat ng mga produkto o serbisyo papasok ng bansa mula sa labas ng bansa. Ayon sa System of National Accounts (SNA), maitatala lamang ng isang bansa ang mga kalakal o serbisyo kung nagkaroon ng pagpapalit ng pagmamay-ari ang mga ito.
Mga pangunahing produkto (Mga inaangkat mula sa ibang bansa)
1. Mineral fuels
2. Machinery and Mechanical Appliances
3. Electronic Data Processing
4. Transport Equipment
5. Semiconductors
Mga pangunahing produkto (Mga iniluluwas sa ibang bansa)
1. Semiconductors
2. Electronic Data Processing
3. Ignition Wiring Sets
4. Metal Components
5. Control Instrumentation
Mga bahagi ng serbisyo:
1. Transport
2. Insurance and Pension
3. Travel
4. Government
5. Miscellaneous
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority | @PSAgovph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang ibig sabihin ng GDP? "