Ang Parian
On Negosyo
Ang Parian
Ang Parian ay ang pangunahing merkado ng Maynila. Pwede ito ihalintulad sa ating mga modernong mga mall. Dito nagnegosyo ang mga Tsinong mangangalakal, at maraming mabibili dito katulad ng porselana, seda, at iba pang mga mamahaling mga bagay.
Makakakita ka rin dito ng mga sastre, mga talyer, mga pintor, mga panadero, mga barbero, mga iskultor, mga karpintero, mga manlilimbag, mga panday ng plata, bakal, at salamin, mga parmasya, karinderya, at mga taga gawa ng mga sapatos, alak, kandila, porselana, at mga alahas.
Ang Parian ay laging abala at buhay. Walang mga mall o sinehan noong panahon ng mga Kastila, kaya't talagang nakakasabik ang pag bisita sa Parian!
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Parian "