Pwede ka bang pilitin ng employer mong magtrabaho kahit pasko?
Pwede ka bang pilitin ng employer mong magtrabaho kahit pasko?
TANONG: Pwede ka bang pilitin ng employer mong magtrabaho kahit pasko?
SAGOT: Pwede, pero dapat bayaran ka ng iyong employer ng doble.
Regular Holiday ang December 25 kaya walang pasok ang araw na ito.
Sa ilalim ng Article 94 ng Labor Code, maaaring obligahin ang empleyadong magtrabaho kahit na regular holiday pero ang sahod niya ay doble ng pang araw-araw na sahod.
Halimbawa, kung Php 500 ang sahod mo sa isang araw, matatanggap mo ito kahit hindi ka pumasok. Kapag pumasok ka on a regular holiday tulad ng Pasko, magiging Php 1000 iyon.
Pero kung retail or service establishments ka na kulang sa sampu ang empleyado, hindi doble ang kita mo at walang sweldo kung hindi ka pumasok sa trabaho.
Bukod dito, walang holiday pay para sa mga sumusunod:
- manager
- government employee
- kapamilyang dependent ng employer
- empleyadong de-commission o binabayaran batay sa dami ng nagawa.
Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)
No Comment to " Pwede ka bang pilitin ng employer mong magtrabaho kahit pasko? "