On

 Minaltratong Kasambahay

Ano ang dapat gawin kung sinasaktan ka ng iyong amo?


Tanong: Atty., kasambahay po ako. Ano po ang dapat kong gawin kung sinasaktan ako ng aking amo?


Sagot: Kasuhan mo siya para sa paglabag ng Batas Kasambahay at Revised Penal Code. Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Batas Kasambahay o RA 10361, maaaring ireklamo ang amo sa 

(1) barangay kung saan naganap ang pananakit, 

(2) Department of Social Welfare and Development (DSWD), o

(3) Public Employment Service Office (PESO) kung saan naganap ang pananakit. 


Ang sinumang nakakaalam ng pananakit ay maaaring magreklamo. Kung napatunayang nagkasala ang among nanakit, pagmumultahin siya ng hanggang 40,000 pesos. Bukod dito, maaaring makulong ang amo para sa Physical Injuries sa ilalim ng Article 263, 265, o 266 ng Revised Penal Code, depende sa kalalaan ng pinsala.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin: