On

 May separation pay ba kung nag iba ang may-ari ng pinapasukan mo ng anim na taon?


New Boss, Same Company


Tanong: Atty., binenta ng may-ari yung bar na pinapasukan ko.

May makukuha po ba kami na separation pay? Almost 6 years na po kaming regular employee and still working for the new management.


Sagot: Hindi, dahil hindi naman nagsara ang bar na pinapasukan mo. Nag iba lang ang may-ari nito, kaya hindi masasabing natanggal ka sa trabaho at dahil dito,

walang separation pay.


Sa ilalim ng Labor Code, may separation pay kapag tinanggal ka sa trabaho dahil:

1. Nagtitipid ang employer o nagbabawas ng hindi kinakailangang trabaho para hindi malugi o magsara ang business;

2. Nagsara ang business hindi dahil nalugi ito; o

3. Meron kang sakit na hindi magagamot sa loob ng anim na buwan at makakasama sa iyo o sa kapwa employee na patuloy kang magtrabaho.


Walang ganitong nangyari sa tanong mo kaya malinaw na wala kang separation pay.


Pinagmulan: attytonyroman (sundan sya sa Instagram)


Mungkahing Basahin: