Katipunan ng mga karapatan sa mapayapang pagtitipon
On Krimen
Katipunan ng mga karapatan sa mapayapang pagtitipon
Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, at mapayapang pagtitipon (Katipunan ng mga karapatan o Bill of Rights)
Nakasaad sa Seksyon 4, Artikulo III, Katipunan ng mga Karapatan (Article 3, Bill of Rights, 1987
Constitution) na hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. Subalit, ang karapatan sa mapayapang pagtitipon ay hindi absoluto. Ito ay nasa ilalim ng regulatory powers ng estado upang tiyakin ang pagpapanatili ng kaayusan at ang nasabing pagtitipon ay hindi makapaminsala sa ibang tao at sa komunidad
Kalayaan sa mapayapang pagtitipon
Ang kalayaan sa mapayapang pagtitipon ay karapatan ng sino mang tao na magpulong at magtipon para sa konsultasyon kaugnay sa pambansang kapakanan (U.S. v Bustos, 37 Phil.731)
Karapatang mag-petisyon
Ang karapatang magpetisyon ay nangangahulugan na sino mang indibidwal o grupo ng tao ay maaaring magpahayag nang walang takot sa mga ahensya ng pamahalaan o tanggapan sa kanilang paglalahad ng mga karaingan (U.S. v Bustos)
Batas Pambansa 880 (The Public Assembly Act)
Alinsunod sa Batas Pambansa (BP) Bilang 880 o “The Public Assembly Act) ang pampublikong pagtitipon o public assembly ay anumang rally, demonstrasyon, martsa, parada, prusisyon o anumang porma ng pagtitipon na isinasagawa sa pampublikong lugar upang ilahad ang anumang opinyon sa mga isyu; o pagtutol sa mga kalakaran ng gobyerno, mapa-pulitikal, pang-ekonomiya o panlipunan; o pag-petisyon sa gobyerno ng kanilang mga karaingan. Batay sa depinisyon, hindi kabilang dito ang pagpiket o ano mang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at empleyado na bunga ng suliranin sa paggawa na nakatakda sa Batas ng Paggawa o Labor Code at nakapaloob sa BP Bilang 227.
Ayos sa BP 880, labag sa batas ang mga sumusunod:
1. Ang paglulunsad ng sama-samang pagtitipon sa pangunguna ng pinuno o lider na walang kaukulang permiso mula sa tanggapan ng pamahalaan na nangangasiwa nito o ang paglulunsad ng pagtitipon sa lugar na hindi nakatukoy sa permit – subalit hindi dapat siya patawan ng parusa o papanagutin sa pagkakasalang kriminal dahil sa pagsali o pagdalo sa mapayapang pagtitipon;
2. Ang hindi makatwiran at di nararapat sa pagtupad ng tungkulin sa pagbibigay ng permiso ng alkalde o sino mang opisyal;
3. Ang hindi pagtanggap ng alkalde o sino mang opisyal sa aplikasyon para sa pagkuha ng kaukulang permit;
4. Ang paghadlang o pagpigil na nagbabawas sa karapatan sa mapayapang pagtitipon;
5. Ang pagpapaputok ng baril ng pulis o sino mang awtoridad sa pagbuwag sa pagtitipon ng mga tao; at
6. Ang mga sumusunod na hindi dapat gawin 100 metro ang layo mula sa lugar ng pagtitipon:
a. Ang pagbitbit ng nakakamatay na kagamitan o bagay tulad ng baril, pillbox, bomba at iba pa;
b. Ang pagdala ng kutsilyo at katulad nito;
c. Ang pagsusunog ng anumang bagay sa kalsada;
d. Ang pagbitbit ng baril ng sino mang pulis o awtoridad; at
e. Ang pagdisturbo o pag-abala sa paglunsad ng pagtitipon sa pamamagitan ng malakas na tunog ng trompa o loud sound system. Sa madaling salita, alinsunod sa BP 880, ipinapatupad ang no-permit, no-rally na patakaran.
Kung nilabag ang iyong mga karapatan, maaari kang humingi ng remedyo kasama dito ang bayad-pinsala at rehabilitasyon
Ayon sa batas, sakaling nilabag ang iyong karapatan, ang sino mang opisyal at mga kinauukulang mga kawaning pambayan ay mananagot sa batas at ang kaparusahan ay maaaring kriminal, sibil, at administratibo. Ang mga sumusunod na tanggapn ng pamahalaan ay may mga mekanismo para sa pagsisiyasat sa sumbong o reklamo laban sa sino mang pulis o awtoridad na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao:
Commission on Human Rights (CHR)
Mga teleponong pwedeng tawagan:
Globe: 0936-068-0982
Smart: 0920-506-1194
Email: chad.pasco.chr@gmail.com
Office of the Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement (MOLEO)
Email: paccb_moleo@ombudsman.gov.ph
Armed Forces of the Philippines
Facebook: @armedforcesofthephilippines
PNP Human Right Affairs Office
Email: pnphrao@gmail.com
Telepono: 8723-0401 loca 3668
PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS)
Telepono: (632) 899-7504
Pinagmulan: Commission on Human Rights
Orihinal na naglathala: Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Katipunan ng mga karapatan sa mapayapang pagtitipon "