Kalayaan
Alam niyo ba na ang “Kalayaan” ay ang opisyal, kauna-unahan, at huling pahayagan ng Katipunan?
Ayon kay Dr. Pio A. Valenzuela, ang pahayagan ay inilabas noong Marso ng 1896 at ito ay may walong pahina at may dalawang libong kopya.
Ito ay naglalaman ng editoryal na sinulat kunwa ni M.H. del Pilar, ng kuwentong “Pahayag” ni Jacinto sa alyas na Dimasilaw, ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Bonifacio sa alyas na Agap-ito Bagumbayan, ang artikulong “Catuiran?” ni Valenzuela sa alyas na Madlang Away, at ilang munting balita.
Dahil sa pahayagang ito, libo-libo na ang sumapi sa Katipunan para labanan ang mga Espanyol.
Taglay ng pamagat ang pangunahing diwa ng Himagsikang 1896. Nailabas ito dahil sa donasyong salapi nina Candido Iban at Francisco del Castillo, dalawang patriyotang Aklanon.
Nagwagi sina Iban sa loteryang isang libong piso. Ipinambili nila ng makinang pang-imprenta ang P400 at itinago ang makina sa bahay ni Bonifacio.
Dalawang mahusay sa limbagan, sina Ulpiano Fernandez at Faustino Duque, ang nangalaga sa makina. Nagnakaw din sila ng tipo at titik sa ibang imprenta upang mahusto ang gamit.
Hindi matiyak kung kailan lumabas ang unang isyu ng Kalayaan. Bunga ito ng isinagawang panlilinlang upang hindi matunton ang limbagan nito.
Pinalabas nina Jacinto na inilimbag ang Kalayaan sa Yokohama, may petsang 1 Enero 1896, at si Marcelo H. del Pilar ang editor.
Ayon kay Pio Valenzuela, lumabas ito noong Marso 1896, walong pahina, at may 2,000 kopya. Inilipat-lipat din ito ng lokasyon upang makaiwas sa mga espiya.
Ang unang isyu ay naglalaman ng editoryal na sinulat kunwa ni M.H. del Pilar, ng kuwentong “Pahayag” ni Jacinto sa alyas na Dimasilaw, ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Bonifacio sa alyas na Agapito Bagumbayan, ang artikulong “Catuiran?” ni Valenzuela sa alyas na Madlang Away, at ilang munting balita.
Inihahanda na ang ikalawang isyu ngunit natuklasan ang Katipunan. Sa gayon, sinira nina Fernandez at Duque ang nakakaha nang isyu at ang makina bago tumalilis.
Isang labas lamang ang Kalayaan ngunit isa itong maituturing na napakaepektibong sandata ng Himagsikang 1896. Sa ulat din ni Valenzuela, umaabot lámang sa 300 ang aktibong kasapi ng Katipunan noong Enero 1896.
Ngunit pagkalabas ng Kalayaan ay dumagsa ang mga nais sumapi mula sa mga karatig probinsiya. Nang matuklasan ang Katipunan ay mahigit 30,000 na ang miyembrong lumahok sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kalayaan "