On
Kapag nagtala ng pagkain sa dambana ng kusinang Filipino, kaldereta ang isa sa pinakatanyag.


Laging nakikita, mapahandaan man o karinderya, ang putaheng ito ay kadalasang gawa sa karne ng kambing, baka, o baboy, at sinasahugan ng liver spread, kamatis at sarsang gawa dito, patatas, karot, sili, oliba, at iba pang gulay.


Ginagamit din kung minsan ang karne ng manok, at tupa. Maaari itong magtaglay ng mataas o katamtamang anghang, depende sa dami ng sili na gagamitin.


Tinatawag din itong spicy meat stew sa labas ng bansa. Nanggaling ito sa Espanyol na caldereta, o maliit na kaldero, at inangkin natin mula sa kanilang orihinal na putahe.


Hindi naman ito gaano kahirap ihanda, kaya hindi nawawala sa mga kainan sa tabi-tabi. Makulay sa paningin, masarap sa panlasa, at maaari kang tuluan ng pawis kapag todo ang anghang—tunay ngang putaheng Pinoy ang kaldereta.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: