On
Hindi marami ang nakatikim na ng inubarang manok, sapagkat hindi gaanong naitatampok sa mga restoran ng pagkaing Filipino ang lutong ipinagmamalaki ng lalawigan ng Aklan, sa hilagang Visayas.


Ano nga ba ang mga sangkap na nagpapatingkad sa inubarang manok? Dalawa lang naman sa paboritong gamitin ng mga Pinoy, buko at saging.


Lutuin ang “native” na manok sa gata at hiniwa-hiwang ubod ng saging. Lahukan ng asin, sibuyas, bawang, suka, paminta, luya, at siyempre, mantika.


Ang resulta: isang katakam-takam na lutong Pinoy na Pinoy, at akmang-akma sa Aklan. May sabaw na kasimputi ng mga buhangin ng Boracay, at pangtambal sa itim ng mga ulingang mananayaw ng pistang Ati-atihan! Bagay sa kahit anong inuman, mapasopdrink man o serbesa!


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: