On
Nagmula sa Espanyol na asar (mag-ihaw) at asado (inihaw), ang inasal ang isa sa pinakapopular na pagkaing Ilonggo.


Inihaw na manok ang inasal ngunit higit sa karaniwang inihaw na manok. Ang karne ng manok ay ibinababad muna sa toyo at kalamansi at, kung minsan, sa ketsap na may paminta at kanela.


Ang Manokan Country ay bantog na pook sa tabing-dagat na may hanay ng mga tindahan ng inasal sa Bacolod. Sa ordinaryong restoran o sugbahan ng inasal, maaaring pumilì ng tinuhog na pitso, hita, o pakpak.


May tinuhog ding balon-balunan, atay, at puso ng manok. May mga bandehado rin ng talaba at tinuhog na isda. Paborito itong pulutan sa serbesa. Kung nais mabusog, puwedeng ulamin ang inasal at talaba sa samplatong kanin.


Ipinagmamalaki rin ng ilang sugbahan ang sinamak o sariling timpla ng suka, toyo, sili, bawang, at kung ano-ano pa na bukod-tanging sawsawan sa kanilang inasal. At kung ayaw ng inasal, siyempre nakahanda ang mga restorang Ilonggo sa iba’t ibang klase ng la paz batsoy katerno ng putong putĂ®.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basdahin: