Tubo
Ang pulo ng Negros ang sentro ng taniman ng mga tubo dito sa Filipinas. Tinatayang 2/3 ng pangkalahatang tanim ng tubo sa Pilipinas ay mula sa Negros. Ito ay ginagamit sa paggawa ng asukal. Isa ang asukal sa mga pangunahing produkto ng Filipinas na ineeksport.
May dalawang klase ng tubo na mayroon dito sa Filipinas. Tinatawag na sanduyong ang mga uri ng tubóng may mapupulang kulay. Tinagurian namang taad ang mga putol ng tubóng itinatanim para makapagpatubò ng bagong halamang tubó.
Ang pinakahalaman nito ay parang kahoy, matigas, matubig, at madaming hibla. Ang katas nito ay matamis at malinamnam. Sa mga probinsiya, ito ay kinakain kahit na bagong ani pa lámang. Ang mga hibla nito ay nginunguya at inuubusan ng katas. Sa paraan naman ng pagpaparami ng halamang tubó, may mga buto naman ito, kadalasan ginagamit ang mga pinutol na tangkay nito at direktang itinatanim ng medyo pahalang sa lupa.
Marami pang ibang gamit at pakinabang ang mga tubo bukod sa asukal. May mga inumin na nagagawa mula sa tubo, tulad ng alak na basi. Ang katas nito ay maraming magandang naidudulot sa katawan. Sinasabing pinapanatili nitó ang temperatura ng katawan lalo na sa mga panahong sobra ang init at naiiwasan ang pagkahilo dahil sa lubhang init ng panahon o heat stroke. Pinalalakas din nito ang tiyan, bato, at mata. Puwede rin itong gawing “biofuel” upang mabawasan ang paggamit ng “fossil fuel”.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tubo "