Humba
On Pagkain
Ang humba ay karneng baboy na kinulob sa pagluluto at hinaluan ng pulang asukal, suka, kanela, sangke, lawrel, at hinog na saging na saba. Malapit ito sa dalawa pang sikat na pagkaing Pinoy, ang adobo at estopado.
Popular ito lalo sa mga handaan sa Kabisayaan at Mindanao. Sina-popular ito lalo sa mga handaan sa Kabisayaan at Mindanao. Sinasabing isa sa maaaring pinanggalingan ng salitang “humbá” ay “Humot nga Baboy,” na nangangahulugang “mabangong baboy.”
Ang tatlong madalas gamiting bahagi ng baboy para sa humba ay
- pork belly,
- pork hocks, at
- pork ham.
Bukod sa baboy, ginagamit din ang karne ng baka at karne ng manok para sa humba. Manamis-namis ang putahe dahil sa saba, at higit pa kapag nilahukan ng pinya o katas nito. Sinasahugan din ito ng mga buong nilagang itlog, kaya busog na busog ang sinumang kakain nito.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Humba "